BOLINAO, Pangasinan -- Nagpahayag ng 100 porsyentong suporta si Mayor Alfonso Celeste sa pagpapaunlad at pagpapaganda sa bagong eco-tourism site na isinusulong ng Filomena's Farm bilang karagdagang atraksyon sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Ang Filomina's Farm ay natataniman ng mahigit sa 5,000 calamansi at citrus sa may 20 ektaryang lupain, na ang plano ay magkaroon ng produksyon ng calamansi juice at picking para sa mga bisita.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bukod sa eco-farm tour ay magkakaroon din ng camping site, coffee site na patok sa adventure at marami pang farm activities.

Ang farm ay di-kalayuan sa sikat na Bolinao Falls.

Pinangunahan ni Mayor Celeste at Rodolfo Agoot, presidente ng Filomena’s Farm, ang ribbon cutting sa paglulunsad ng Filomena’s Farm noong Marso 11, isang bagong binuo na eco-farm tourism site na matatagpuan sa Barangay Samang Norte, Bolinao, Pangasinan.

Nakiisa sa launching activity sina Vice Mayor Richard Celeste, Bolinao Tourism Officer Mary Ann de Guzman, Barangay Captain Manuel Ferrer at Engr.Antonio Domes-ag, farm board of directors, pamilya, kaibigan at mga residente

Ang apat na oras na programa ay naging daan upang masaksihan ng mga bisita ang mga aktibidad kabilang ang Ribbon Cutting, Audio Visual Presentation ng Filomena's Farm "Now and Beyond", Unveiling of Logo, Blowing of the Candle by the Founders at Ceremonial Tree Planting.

Sinabi ni Mayor Celeste "Kami ay nagpapahayag ng aming suporta para sa proyektong ito na magiging kontribusyon sa larangan ng turismo na pinapaunlad ng ating munisipalidad."

Aniya, ang Bolinao ay nakapagtala ng mahigit sa 500,000 bisita noong 2019, na ang dinarayo ay ang white sand ng Patar Beach, mga historical site,oldest St.James Church, Bolinao Falls 1,2, Tara Falls, Cruise the Balingasay River, Cape Bolinao Lighthouse, Rockview Beach Resort, Santiago Island, Sungayan Grill River Cruise, caves, produksyon ng giant clams at marami pang iba.

"Dapat tayong magtulungan para sa ikabubuti nito dahil hindi lang gobyerno ang humahasa o humuhubog sa isang lugar, kasali rin ang mga pribadong mamumuhunan,” ayon kay Vice Mayor Celeste sa kanyang mensahe.

Si Vice Mayor Celeste ay sumama sa farm tour at labis na nasiyahan sa lawak ng lugar. “Nakikita ko na ang kalalabasan ng farm na ito sa darating na panahon, dahil nakikita ko ang tiyaga at pursigido ng pamilya na may-ari, na buhayin ang isang at gawing turismo.”

“Sa kanyang kapaki-pakinabang at layunin-oriented na pamamaraan ng pag-unlad, ang Filomena's Farm talaga ay kikita ng tagumpay. Ang LGU Bolinao ay nasasabik at nagpapasalamat na makita ang kanilang bisyon na itatag ang sakahan hindi lamang para sa mga tagapagtatag kundi para na rin sa komunidad,” pahayag naman ni De Guzman.