Patay ang tatlong senior citizen matapos salpukin ng isang truck ang sinasakyan nilang van sa national highway ng Jimalalud, Negros Oriental nitong Biyernes ng gabi.

Dead on arrival saGovernor William Billy Villegas Memorial HospitalsinaErodetha Gacang, 67; Roel Gacang, 62; at Eliza Pontillano, 68, sanhi ng matinding pinsala sa kanilang katawan.

Isinugod naman sa ospital ang 22 na iba pa, kabilang ang driver ng cargo truck na si Marcos Alberastinni, 40, taga-Guihulngan City at driver ng van na siJony Gacang Larano, 33, at taga-Bacolod City.

Sa ulat ng Jimalalud Municipal Police, inaresto nila si Alberastinni nang tangkain na tumakas pagkatapos ng insidente.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Naiulat ngNegros Oriental Provincial Police Office, tinatahak ng van ang national highway patungong norte nang salpukin ito ng kasalubong na cargo truck.

Kabilang sa nasugatan sa insidente sina Marilyn Gacang, 51; Dhylyn Gacang, 22; Dany Gacang, 50; Danilo Gacang Jr., 20; Anselma Pontillano, 67; Bienvenido Amacanin, 62; Elsa Amacanin, 49; Cherry Gacang, 25; Denber Gacang, 3; Juvel Pontillano, 16; Cherlyn Gacang, 12; Darylboy Gacang, 13; at Sandra Gacang, 5.

Nakapiit na ngayon Alberastinni at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide,multiple physical injuries, at damage to properties.

PNA