Naabot na umano ng gobyerno ang kanilang puntiryang 1.8 milyong indibidwal na mabakunahan laban sa Covid-19 matapos na palawigin ang idinaos na ikaapat na bugso ng ‘Bayanihan, Bakunahan.'

Ito ang isinaoublikoni National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario sa isinagawang Laging Handa briefing nitong Sabado.

Matatandaang ang 'Bakunahan' 4 ay mula Marso 10 hanggang 12 lang sana, gayunman, pinalawig ang pagbabakuna nito psa publiko hanggang noong Marso 15 habang ang pagbabakuna naman para sa senior citizen ay ini-extend hanggang Biyernes, Marso 18.

Ibinahagi rin ni Rosario na ang pagbabakuna para sa mga kabataang nasa 12 hanggang 17-anyos ay nagkaroon ng magandang turnout matapos na makapagbakuna ng may 255,000 kabataan na tumanggap ng first o second doses.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

Mas mababa naman aniya ang vaccination turnout para sa senior citizens na umabot lamang sa halos 100,000.

"Talagang ang kailangan gawin sa ating senior citizens ay pupuntahan sila, and more conversations and social preparations para sa kanila," mungkahi pa ni Rosario.

Kakaunti na lamang rin aniya sa adult population ng bansa ang hindi pa bakunado.

Mahirap aniyang kumbinsihin ang mga ito dahil sa pagdududa o takot sa bakuna.