Hindi nakaligtas sa isang kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila ang₱1.7 bilyong ginastos sa rehabilitasyon ng Manila Zoo sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Ang zoo naman po, obviously, P1.7 billion at the time of Covid, I think it is very clear that it is a wrong priority,” pagdidiin ni mayoral candidate Atty. Alex Lopez nang sumalang sa Hot Seat forum ng Manila Bulletin.

Katwiran ni Lopez, katumbas na ng budget para sa tatlong maliliit na probinsya ang ginastos sa rehabilitasyon.

“That’s a budget for three small provinces para tirahan ng hayop po. There is so much need, so much housing to be built, pagkain sa hapag kainan, walang trabaho… Kailangan po natin ang gamot - simple medicines," paglalahad nito.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Kahit aniya nakalikha ng maraming trabaho ang kasalukuyang administrasyon, nanindigan pa rin ito na hindi napapanahon ang rehabilitation project.

“‘Yung zoo po hindi napapanahon ngayon and₱1.7 billion is a huge amount of money. Ang sinasabi ko nga siguro, you can visit the zoo and see whether that’s a₱1.7 billion project. Tao na po ang humusga, kayo na ang pumunta," anang abogado.

“Hindi po napapanahon, may Covid po tayo, may pandemya," paliwanag pa ni Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez.

Jaleen Ramos