SURIGAO DEL SUR -Dinakip ng mga awtoridad si Surigao del Sur Vice Governor Librado Navarro at misis nito kaugnay ng kinakaharap na kasong estafa sa Bislig City ng nasabing lalawigan nitong Huwebes ng gabi.
Under custody na rin ng pulisya ang asawa ni Librado, 64, na si Maylene, 47, dating miyembro ng Sangguniang Bayan sa Talisayan, Misamis Oriental.
Ang dalawa ay inaresto sa San Andres, Brgy. Maharlika, Bislig City nitong Marso 17 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ngRegional Trial Court Branch 42 sa Medina, Misamis Oriental, ayon saSurigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) acting director, Col. Joseph Boquiren.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Bislig City Police at 1st Company of the Surigao del Sur Police Provincial Mobile Force, ayon sa ulat.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.