Nag-public apology na si Valentine Rosales dahil sa viral Facebook post niya noong Marso 13, kung saan ibinahagi niya ang umano'y karanasan niya tungkol sa speak cup ng isang convenience store.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

Sa TikTok video ni Rosales nitong Huwebes, Marso 17, sinabi niyang nakatanggap siya ng mga negatibong komento at masasakit na salita dahil sa kanyang viral post. 

"Naapektuhan din po ako ng mga nababasa ko dahil sa katotohanan nga po, hindi po talaga tama yung ginawa ko," ani Valentine.

"I realized my mistakes and hindi po talaga tama yung ginawa ko," dagdag pa niya.

Ngayon lamang siya naglabas ng apology video dahil pinahupa muna niya ang mga pangyayari.

"Regarding doon, I owe up to my mistakes kaya I'm making this apology video. Gusto ko pong magsorry sa nagawa ko kasi hindi naman po talaga tama yung ginawa ko," ani Rosales.

"Nanira po ako ng ibang kandidato and all of them are campaigning and doing their best to promote their candidacy for president and ako maninira lang po ng isang kandidato which dapat instead of manira i-promote ko nalang po yung mga good deeds or magandang nagawa ng kandidato ko," saad pa niya.

Gayunman, may mensahe rin si Rosales para sa mga taong magpapatawad sa kanya at hindi magpapatawad sa kanya.

"Nagkamali po ako and humihingi po ako apology sa inyong lahat. Sa mga magfo-forgive sa akin sobrang appreciate ko po and I'll do my best to be a better person," ani Rosales.

"Sa mga hindi naman po ako mafo-forgive, I will understand kasi kasalanan ko naman talaga 'yun. I should be ready for the consequences of what I have done pero please know na pinagsisisihan ko na po yung ginawa ko. And it's better na atleast nag-apologize po ako and I made a video to apologize kasi sasabihin nila ang sipag ko gumawa ng video, manglait pero magsorry hindi ko magawa. Kaya ito po I'm apologizing and owe up my mistakes," saad pa nito.

"And to show na sincere po ako sa pagsosorry ko i-dedelete ko po lahat ng posting ko regarding those issue dahil hindi po tama yung nagawa ko. Sorry po sa nagawa ko and regarding politics I'll stay out and keep quiet. May the best president win. Sorry again sa lahat," pagtatapos niya.

As of writing, hindi pa rin niya nabubura ang mga Facebook post hinggil sa issue.