Tila nagkakatotoo nga ang ikinababahala ni Mommy Dionisia sa pagsabak ng anak na si Presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao sa eleksyon matapos aminin nito ang unti-unting pagnipis ng pondo para sa kanyang kampanya.

Kung kinailangan kamakailan ni Mariel Rodriguez-Padilla na mag-online selling para makalikom ng pondo para sa kampanya ng asawang si senatorial aspirant Robin Padilla, inamin naman ni Presidential candidate Manny Pacquiao na kinakapos na rin ito ng pondo higit isang buwan bago ang botohan sa Mayo.

Basahin: Mariel, napaos para kay Robin, may napagtanto: ‘Mahirap pala maging online seller, kakapaos’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ayokong ma-compromise yung commitment ko sa taumbayan,” saad ni Pacquiao sa isang panayam ng ABS-CBN News.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“May problema [sa pondo] kasi hindi naman tayo umaasa sa malalaking negosyante. At the end of the day, [kung] ako manalo, ang taumbayan ang makikinabang, kasi ang una kong gagawin, review all the contracts of the government,” ani Pacquiao.

Basahin: Mommy Dionisia, ‘windang’ sa pagtakbo ni Manny: ‘Baka maubos ang kuwarta!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang naging usap-usapan noong Enero ang ibinebentang Forbes Park Mansion ni Pacquiao na aabot sa higit P2-B ang halaga, kung saan hinuha ng ilang netizens, ilalaan ng “People’s Champ” para sa kanyang kampanya.

Sa kabila nito, desido si Pacquiao na ituloy ang kanyang kandidatura. Buo rin ang suporta ng asawang si Jinkee Pacquiao sa laban ng asawa.

Basahin: Pacquiao sa suporta ng misis na si Jinkee: ‘Lahat ng pagsubok kaya nating harapin’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid