Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na nasa kanilang suggested retail price list.
Nilinaw ni DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan na batay sa kanilang monitoring, tumaas lamang ang presyo ng mga imported na produktong brand na wala sa kanilang listahan, katulad ng instant noodles, kape, gatas at iba pa.
Mayroon na aniyang humihirit na mga manufacturer ng taas-presyo, gayunman, pinag-aaralan pa nila ito at dahil naka-imbak pa rin sa ngayon ang mga produkto sa mga pamilihan.
Nitong nakaraang Enero, inaprubahan ng pamahalaan ang taas-presyo ng basic commodities dahil sa bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa bansa.