Ibinasura ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport group na magpatupad muna ng P1.00 taas-pasahe sa jeep sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ng LTFRB, ang petisyon ay iniharap ng grupong 1-Utak, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).
Nilinaw ng LTFRB na mananatili pa rin ang₱9.00 minimum fare sa public utility jeepneys (PUJ).
Binigyang-diin ng LTFRB, kinailangan nilang balansehin ang karapatan ng mga mananakay na nagdedepende lamang sa pampublikong sasakyan at ng mga operator na naghahangad na kumita.
“While it recognizes the present clamor of stakeholders in public land transportation services for necessary action relative to fare rates, they cannot be insensitive to the plight of Filipinos every time an increase on the prices of the commodities occurs, as a domino effect to the grant of fare increase,” pahabol pa ng naturang ahensya.
Bukod dito, hinihintay pa ng grupo ang desisyon ng LTFRB sa inihain nilang hiwalay na petisyon na humihiling na gawing₱14.00 na ang pasahe sa jeep.
Itinakda na ang pagdinig sa petisyon sa Marso 22.