Nakatakdang imbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) ang umano'y naganap na vote-buying sa provincial sortie ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos sa Nueva Ecija nitong Martes.

Binanggit ni ComelecCommissioner George Erwin Garcia sa isang television interview nitong Huwebes, naghihintay na lamang sila ng maghahain ng reklamo bago sila umaksyon.

Gayunman, binalaan din nito ang publiko na hindi lamang ang kandidato ang posibleng mananagot dahil kasama rin ang mga botante na tumanggap ng pera kapalit ng kanilang boto.

Ang pahayag ni Garcia ay tugon sa mga mamamahayag kaugnay umano'y pamamahagi ng pera na nakapaloob sa mga envelope nang mangampanya si Marcos sa Nueva Ecija nitong Marso 15.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Para po sa mga kababayan natin, it takes two to tango. Wala pong vote buying kung walang vote selling, so huwag po isipin ng iba na ang guilty lang po ay kandidato. May vote buying po, may vote selling kasama po ang mismong botante na nagbenta ng boto na pwedeng mademanda at makasuhan namin,” sabi nito.

“Pero kung 'yung botante ay tumanggi na tumanggap mula sa kandidato kahit na attempt lang ng kandidato is already vote buying by itself kahit na 'di tinanggap mismo ng botante ]yung binibigay ng kandidato,” anang opisyal.

"Pero dapat naman the consideration in cash or in kind is substantial, meaning ano substantial depends on the circumstances of each (case).Ano ibig sabihin po noon kung ako magbigay sa inyo ng candy, hindi naman siguro para sa akin lang personal ko ito dahil ako’y nagpa-practice, 'yung candy 'di naman vote buying 'yun. But if I promise something, kahit simpleng promise lang po, kahit wala kang binibigay is already vote buying," paglalahad ni Garcia.

Ang sinumang mapapatunayangnagkasala sa kaso ay makukulong ng hindi bababa ng isang taon, ngunit hindi lalagpas ng anim na taon alinsunod na rin sa Election Code.

“Napaka-usual kasi 'yun na pag may ganyan, the Comelec will always ask its field personnel na verify, re-verify kasi pag tinatanong kami meron kami sinabi na ginawa. But definitely whatever will be the findings of our provincial election supervisors or regional directors in cases like this will form part of any investigation that will be formally conducted in case there will be complaints,” pahayag ng opisyal.

“Kaya napaka-importante na may mag-cocomplain kasi ang hirap porket napanuod natin o nakitang ganiyan kinakailangan may mag-complain kasi po kahit sa rules of evidence kinakailangan may testimony, kinakailangan may documentary evidence," pagpapatuloynito.

“But if a complaint will be filed, definitely our law department will conduct a full-blown investigation, will be calling people kung saka-sakali there will be subpoena issued to individuals, especially kung may named individuals doon.Basta may mag-complain lang we will definitely act on it,” dagdag pa ni Garcia.