Nabawasan na ang bilang ng mga tambay na Pinoy ngayong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos na inilabas ni PSA, National Statistician chairwoman Claire Dennis Mapa, umabot na lamang sa 2.93 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ito ay kabilang sa 7.6 na porsyento ng unemploymentrate na mas mababa kumpara sa 3.27 milyong tambay na naitala noong Disyembre 2021 na katumbas ng 6.6 percent ng unemployment rate.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman ang National Economic and Development Authority (NEDA) na tataas pa ang employment rate ng bansa o dadami pa ang bilang ng mga Filipino na may trabaho.

Ito ay matapos bumaba sa 2.9 percent ang bilang ng mga walang trabaho nitong Enero 2022 kumpara sa naitala noong Disyembre 2021 batay na rin sa Labor Force survey ng PSA.

Sinabi pa ng NEDA na nakikita nilang gaganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa susunod na buwan dahil na rin sa mas maraming manggagawa ang makababalik na ng trabaho matapos ibaba sa Covid-19 AllertLevel 1 ang maraming lugar sa bansa.