Dating BBM supporter, kakampink na ngayon ang nag-viral na rider na inangkasan ni Robredo sa motorsiklo kamakailan.

Hind lamang ang rider na si Sherwin Abdon ang naging kakampink maging ang kanyang asawa na si Kristine Abdon.

Larawan mula sa Facebook n Kristine Abdon

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nauna nang sinabi ni Kristine na solid BBM supporters silang mag-asawa. Minsan na rin silang dumalo sa caravan at campaign rallies nito, at mismong ang motorsiklong sinakyan ni VP Leni ang gamit nila.

Larawan mula sa Facebook n Kristine Abdon

Basahin:https:/">https://balita.net.ph/2022/03/06/lalaking-inangkasan-ni-vp-leni-sa-motorsiklo-binatikos-ng-ilang-bbm-s" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/06/lalaking-inangkasan-ni-vp-leni-sa-motorsiklo-binatikos-ng-ilang-bbm-s

Sa Facebook post ni Kristine nitong Marso 15, sinagot niya ang mga katanungan kung bakit sila naging “Kakampink.”

Sa unang bahagi ng kanyang post, sinabi niyang noong kasagsagan ng pagsikat ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging aktibo silang pamilya sa social media, ikinampanya at solido din ang boto nila sa senatorial lineup ng pangulo. Galit sila sa oposisyon dahil palagi umano binabatikos si Duterte.

“Tingin ko sa kanila puro lang sila puna at walang ginagawa. Kasama na dun si VP Leni. Nasabi ko yung dahil wala akong alam tungkol kay VP kundi mga balita laban sa kanya. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon makilala ng tama,” ani Kristine.

Kaya’t ngayong eleksyon nag-usap silang pamilya kung sino ang kanilang iboboto dahil ayaw nila kay Robredo at matunog umano ang pangalan ni Bongbong Marcos.

Hinihintay rin niya kung sino ieendorso ni Duterte ngunit habang wala pa raw ay nagfocus umano siya sa pagkilala kay BBM. Sinarado niya ang utak niya nang nalaman niyang running mate nito si Sara Duterte. 

“Isinarado ko na ang uak ko, buo na ang loob ko. BBM-Sara ako! Hindi na ako nag aksaya ng panahon kilalanin pa si VP Leni. Basta ang alam ko, hindi ko siya gusto. Walang mabigat na dahilan, walang katanggap-tanggap na basehan,” ayon pa kay Kristine.

Noong sumakay na sa motorsiklo ng kanyang asawa si Robredo, personal umanong naranasan nito kung gaano kabait si Robredo. Namangha raw umano paano nito kausapin ang kanyang asawa at doon na umano napatunayan kung gaano kababa ang loob ni Robredo.

Larawan mula sa Twitter

Nang maranasan nilang mabatikos ng kapwa BBM supporters malaki ang naging epekto nito sa kanila. Sa dinami-rami daw ng social media admin ni BBM wala manlang daw tumindig para sa kanila upang awatin manlang ang mga bashers. 

Dahil dito, natutunan ni Kristine na pag-aralan kung sino nga ba si Robredo.

“Binuksan ko ang sarado kong utak at pinalawak ko ang aking pananaw sa buhay. Nagsimula akong magbasa basa tungkol sa kanya. Sinimulan kong magresearch at manood ng mga videos tungkol sa kanya at sa mga nagawa nya. Nabasa ko ang mga istorya ng mga taong natulungan nya. Inunawa ko ang plataporma nya at naappreciate ko ang mga nagawa nya sa ating bansa at sa buhay ng napakaraming tao. Hindi ko namamalayan, nagugustuhan ko na sya,” aniya.

Larawan mula sa Facebook n Kristine Abdon

“Napabilib nya ako kung anong klaseng leader sya. Bilib ako sa pagkakaisa ng mga supporters nya. Ramdam ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa isa't isa. Meron silang tunay na UNITY. Na hindi ko nakita at naramdaman nuon. At naniniwala ako, kaya mabubuti ang mga Kakampink ay dahil mabuti ang leader na sinusuportahan nila,” dagdag pa nito.

Natutunan din niyang magkumpara at nakita niya umano ang pagkakaiba.

“Kaya kung nagbago man ako o kami ng Presidente, hindi ito biglaan lamang. Naglaan ako ng oras para pagaralan ito. Pinag-isipan ko ito gamit ang utak ko, at pagisipan ko ito gamit ang puso ko,” paglalahad pa niya.