Tila may paalala si 'It's Showtime' host at Unkabogable Star Vice Ganda sa lahat, na hindi naman niya tinukoy kung may himig-politikal ba, batay sa kaniyang tweet nitong Marso 16, 2022 ng hapon.
Aniya, "Konting kalma. Baka di natin napapansin katulad na din tayo ng mga taong ayaw natin. O baka naman yun din tayo di lang natin maamin."
Marami sa mga netizen ang humulang ito ay para sa mga taong nagbabangayan dahil sa pagsuporta sa kani-kanilang mga manok sa halalan. May mga netizen na nagsabing sa lawak ng network at kasikatan ngayon ng komedyante, marapat na raw na magsalita na siya kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato.
Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.
"Sayang boses mo kung di ka magsasalita. Malaking ambag sana 'yan.?."
"Let her be. She has a point. Guilty rin ako not extending grace and not showing empathy sa supporters ng kabilang side. But it's because I'm mad at what's happening and di ko maintindihan bkit gnun. We can call out injustice when we see it, do it gently, but don't be silent about it."
"Sorry Meme Vice. Pero merong panahon na kelangan mo mag all-out! Lalo na kung para sa tao. Parang pag me concert ka, di ba all-out ka for the people? Pwede rin naman natin gawin yun for a future we believe in. ?"
"Sana the demanding supporters will not discourage you, Vice. Emotions are high. Time is running out. They are fighting online exactly the same way they did for ABS-CBN when it lost its franchise. Intindihin mo na lang po."
Inuungkat din ng mga netizen ang mga kuhang litrato niya kasama sina Senador Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte nang mag-guest sila sa 'Gandang Gabi Vice' na kaniyang night talk show noong 2016, sa ABS-CBN.
Bagama't hindi pa tiyakang sinasabi kung kaninong partido ang kaniyang sinusuportahan, malinaw naman na ang isa sa mga bet niya sa pagkasenador ay si Atty. Chel Diokno, na ngayon ay nasa senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.