Usap-usapan ngayon sa YouTube ang kwento ng isang babaeng matapang na nagbahagi ng kanyang kwento sa kung paano ang kanyang nobyo, na siyang pinagkalooban niya ng sariling kidney, ay nanloko sa kanya.

Pagbabahagi ni Colleen Le sa "BuzzFeedVideo," taong 2015 nang magsimula ang lahat. Nagkakilala sila sa pamamagitan ng mutual friends.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kalaunan nang magkapalagayan ng loob, salitan silang nagmamaneho para makita ang isa't isa at tumambay.

Doon na rin ibinunyag ng lalaki na mayroon itong malalang sakit sa bato at sakit na Crohn. Kinakailangan pa nitong kumonekta sa isang makina tuwing gabi para salain ang kanyang mga bato. Sa oras na iyon, 27 ang kanyang nobyo at ginagawa nito ang pagkapit sa makina sa loob ng 10 taon.

Ani Le, nang malaman niya na ang function ng kanyang kidney ay nasa ibaba ng limang porsyento, ito ay naging dahilan upang tulungan siya.

"I didn't wanna wait to, you know, have his condition get worse, or he could have passed away too. In order to donate, you have to be in good health. They have to do tests to make sure your body can survive with just one kidney. And so, I had to do a bunch of tests to see if I was a match," ani Le.

Aniya, umabot sa mga tatlo o apat na buwan ang pagpunta niya sa kanyang doktor at pagpapagawa ng pagsusuri sa dugo at pagsusuri sa glucose, iba't ibang uri ng mga pag-scan, at pagkatapos noong Nobyembre, doon lang siya nakatanggap ng tawag.

Sinabi sa kanya ng mga doktor na maghanda na siya para sa operasyon. Kaya siya rin ang pumili ng petsa at napili niya na maging May 23 ang araw ng operasyon dahil 23 ang paborito niyang numero.

"Surgery was pretty easy. They put me under anesthesia, so I was knocked out the whole time. Once I woke up, I just remember waking up to tubes in my mouth, and they tried feeding me like, you know, ice cubes, and I almost threw up. But other than that, I just went back to sleep. And it took me about two weeks to recover, like, to feel back to normal," pagbabahagi ni Le.

Para sa kanyang nobyo, nagbago ang pamumuhay nito; wala na itong tubo sa kanyang tyan, kaya hindi na niya kailangan pang mag-dialysis. Kailangan lang nitong uminom ng anti-rejection pill at gamot sa pananakit.

Dagdag pa ni Le, laking pasasalamat ng pamilya nito, at umiyak pa sila nang husto, na siya namang ikinaluwag sa pakiramdam ni Le.

Ilang buwan pagkatapos ng operasyon, nagpunta ang kanyang kasintahan sa isang bachelor party sa Vegas kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigang Kristiyano. Ikakasal na ang best friend nito.

Aniya, ang kanyang kasintahan ay nagte-text sa kanya sa buong biyahe upang ipaalam kung gaano niya kaayaw na pumunta sa nasabing kaganapan at gusto lamang nito magbasa ng Bibliya.

Sinagot naman ni Le ang kanyang nobyo na mag-enjoy lamang ito lalo na't hindi ito nakakasama ang mga kaibigan nito dahil nagda-dialysis ito noon.

Noong mga oras na yaon, hindi inakala ni Le na may mangyayari sa Vegas dahil nakatatak sa isipan niya na "religious man" ang kanyang nobyo.

Hanggang sa isang araw ng Linggo, pinuntahan siya ng nobyo ni Le. Bakas sa mga mata nito ang gulat at ito ay parang namumutla. Paglalarawan ni Le, parang takot na takot talaga ito.

Kaya naman, naguguluhan na si Le sa mga nangyayari. Tsaka naman umamin ang nobyo nito ng panloloko. Inamin nito na may ginagawa siya sa ilang bachelorette party.

Ilan pa sa nalalalokang rebelasyon ni Le ay ang ilan sa babaeng nandoon ay personal na kilala si Le, at ang isa sa kanila ay kaibigan niya rin.

Isa pa sa napakasaklap na pahayag ni Le ay kinakailan nitong magtrabaho sa "happiest place on Earth" kahit pakiramdam nito ay wasak na wasak na siya.

"I was just broken. And then after he came and confessed what he did, I had to go to work. I had to go to work at Disneyland, the happiest place on Earth," ani Le.

Aniya, naka-schedule siyang magtrabaho sa churro cart sa Pixar Pier, at ayaw ni Le na umiyak siya sa harap ng mga bisita.

Alam ng isa sa mga katrabaho ko na may mali, at pagkatapos ay tinanong siya nito, "Are you okay?" at iyon ang nag-trigger kay Le. Tumulo na lang ang mga luha nito, at hindi na niya napigilang umiyak.

Dagdag pa ni Le, sinubukan pa niyang bigyan ng pagkakataon ang nobyo nito upang sana ay maayos nila ang kanilang relasyon. Ngunit kalaunan ay humantong lang sila sa pag-aaway at hiwalayan.

Tuluyan na nga siyang blinock ng nobyo niya sa social media. Hindi niya na rin ito cinontact.

Sa kabila ng mga nangyari, nasa magandang kalagayan na si Le. Kasalukuyan siyang may nobyo, na nagmamahal sa kanya nang walang kondisyon.

Aniya, "Even after everything has happened, I still don't regret donating my kidney to him. Despite the trauma and the heartbreak that I had to go through, it did lead me to a better life, and that's how I met my current boyfriend."

Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob o nakaramdam ng galit sa dati nitong nobyo na pinagkalooban niya ng sarili niyang kidney.

"I haven't been happier. I'm not mad at him. I don't hold any grudges against him. I only wish him well and for him to live a happy life. I don't want my kidney back. Go ahead and have it, and make sure you treat it well," matapang ngunit payapang mensahe ni Le para sa kanyang dating nobyo.

As of writing, aabot na sa 300K ang views ng video ni Le, at trending sa #32 spot.