PARIS, France - Nagpasyang umuwi sa Ukraine ang isang retiradong tennis player upang sumali sa Ukrainian Army at nakahandang lumaban sa pananakop ng mga sundalo ng Russia.
Ito ang buong pagmamalaki ni Ukrainian tennis player Alexandr Dolgopolov nang mag-post ng kanyang litrato sa social media at sinabing kabilang siya sa magtatanggol sa pinagmulang lungsod na Kyiv na kabisera ng Ukraine.
"Used to be rackets and strings, now this," bahagi ng post ni Dolgopolov sa social media na ang tinutukoy ang ipinakitang isang kutsilyo, baril na carbine, helmet at jacket.
"Hi Kiev, I'm back to help with what I can and defend our home," banggit niya sa followers nito sa Instagram.
Natapos ang playing career ni Dolgopolov noong Mayo 2021 dahil sa wrist injury, tangan ang tatlong titulo sa ATP Tour.
Paliwanag ni Dolgopolov, hindi siya nagdalawang-isip na bumalik sa Ukraine dahil hindi ito makatiis na nakikita ang mga kababayan na nilulusob ng mga sundalo ng Russia.
Ikinuwento rin nito na marunong siyang humawak ng baril matapos na turuan ng isang dating sundalo nang bumisita sa Turkey kung saan niya kinuha ang ina at kapatid na babae upang mailigtas.
"I'm not Rambo in a week, but quite comfortable with the weapons.This is my home and we will defend it."
Kamakailan, nagboluntaryo ring sumali sa militar ng Ukraine ang dalawang dating tennis player na sinaSergiy Stakhovsky atAndrei Medvedev upang makipaglaban din sa puwersa ng Russia.
Agence France-Presse