Walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod na rin ng 7.3-magnitude na lindol sa Japan nitong Miyerkules ng gabi.
Ito ang paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at sinabing tumama ang lindol sa karagatan ng Honshu kung saan lumikha ng lalim na 34 kilometro dakong 10:36 ng gabi.
“Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 300 km of the earthquake epicenter. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa Phivolcs.
Pagkatapos ng lindol, agad namang naglabas ng tsunami advisory ang Japan Meteorological Agency matapos maitala ang biglang pagtaas ng alon sa dagat na posibleng umabot sa bahagi ng Miyagi at Fukushima prefectures.
Ellalyn De Vera-Ruiz