Dismayado si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipatigil ang operasyon ng mga online sabong.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na nakabubuti at kailangan ng pamahalaan ang bilyong pisong buwis sa operasyon ng mga e-sabong sa bansa.
Gayunman, pumalag si Pabillo at sinabing hindi tama ang dahilan ng Pangulo dahil ipinapakita nito na tanging pera ang kapalit ng buhay ng mamamayan na nalululong sa pagsusugal.
Sinabi rin ng Obispo na mas pinahalagahan ng Pangulo ang pera kaysa sa buhay ng nawawalang 34 na indibidwal na ang kaso ay iniugnay sa online sabong.
Dapat aniyangisaalang-alang ng pamahalaan ang ikabubuti ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatigil ng operasyon at pagkakaroon ng masusing pag-aaral sa tunay na epekto ng online sabong nito sa mamamayan.
Kamakailan,isinulong sa Senado ang pagpapatigil ng operasyon ng online sabong hangga't hindi natatagpuan ang 34 na nawawalang sabungero.
ReplyForward