Mahigit 20 rebulto ng mga santo at mga tagpo tuwing Semana Santa ang naka-display sa 'Dakilang Pag-ibig' 2nd Lenten Exhibit ng Diocesan Shrine and Parish of Immaculate Conception sa Malabon.
Ang pagbubukas ng Lenten Exhibit ay pinangunahan ni Father Joey Enriquez, rektor at kura paroko ng nasabing simbahan.
Ayon kay Fr. Enriquez, ang exhibit ay bahagi ng paghahanda sa darating na Semana Santa, isa sa mahalaga at banal na mga araw sa mga Katoliko.
Isang obligasyon umano ang pagkakaroon ng mga imaheng pang-Semana Santa upang mapalakas ang pananampalataya ng mga Katoliko ayon kay Fr. Rene Bernardo.
Tampok sa exhibit ang mga imahen ni Kristo, mga tagpo sa kanyang pagpapakahirap at pagkamatay sa krus at mga santong naging bahagi ng mga pangyayaring ito.
Ang exhibit ay makikita sa kanang bahagi ng simbahan ng Concepcion, Malabon. Sinimulan at binuksan ang exhibit Marso 16 at magtatapos sa Marso 25, mula 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi.