Binulabog ni Angelica Panganiban ang Twitter world matapos niyang magtanong sa mga netizen tungkol sa buwis na ipinapataw ng 'Bureau of Customs', nitong Marso 16, 2022, sa mga package o item na binili online, lalo na kung manggagaling pa sa ibang bansa.

Aniya, "Guys, please enlighten me ? honest question ito. Ano ang basehan ng customs sa pag-tax ng item mo? Bakit mag kasinghalaga na ang tax na pinabayaran sakin at ng item na wala naman silang hinihinging resibo para malaman ang presyo ng item?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at sagot mula sa mga netizen.

"Declared value dapat pero medjo paladesisyon yan sila. May sariling feelings-based value ? nagpadala ako before mga sale items na may presyo pa tapos inoovercharge mom ko! And ‘uy ganda nito ah’ comments parang subtly gusto hingin para babaan."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Usually ginu-Google lang nila yung price kapag minalas-malas ka at natripan nilang piliin yung mahal na price GG iyak ka na lang."

"Maam try n'yo po gumamit ng shipping forwarders next time like my-shopping box or shipping cart. Pag allowable items 'yan and pasok sa criteria, malaki matitipid mo kasi simplified ang pricing and mas predictable unlike yung shipping companies na dumadaan directly ng customs."

"I think mayroon tinatawag na dutiable value, tapos kina-categorize nila ang imported goods to personal, commercial, luxury, etc. Mayroon din sila listahan with corresponding estimated values so even may resibo ka at sobrang understated n di nila gagamitin. Kindatan mo na lang?."

"If its an online purchase, they require online stores to attach a copy of amount declaration on the package na po."

Matapos ang iba't ibang mga reaksyon at sagot ng mga netizen, bumanat naman si Angge.

“Yun nga dapat diba? Wala naman nakalagay from seller. Hindi din sila tumawag sakin. (Na usually naman nangyayari, then ipapadala ko sa kanila yung screenshot ng binayaran ko online) this time, nagulat na lang ako sa laki ng pinabayaran sakin."

" Salamat sa mga reponses ninyo. Nakakapanghinayang lang na wala akong choice kundi bayaran yung singil nila. Kung alam ko lang na 70% yung babayaran kong tax sa Customs, di na ko bumili online,” aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Noong 2021 naman, ang kaibigan ni Angge na si Bela Padilla naman ang tumawag ng pansin sa Customs, dahil sa delayed na pagdating ng kaniyang overseas packages.