Nanguna muli ang tandem nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinaka huling survey results ng independent at non-commissioned na Publicus Asia survey na inilabas nitong Huwebes, Marso 17.

Ang survey na ito o Pahayag National Tracker 2 (PT2) ay ang pangalawang edisyon ng nagpapatuloy na buwanang serye ng survey para sa darating na 2022 elecions. Ang survey na ito ay isinagawa noong Marso 9 hanggang Marso 14, 2022.

Ang PT2 ay binubuo ng 1,500 respondents na random na kinuha mula sa isang market researh panel ng Singapore office ng PureSpectrum, isang US based firm, na ginagabayan ng mga istatistikang nabuo mula sa opisyal nadatos ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa pollster, napanatili ni Marcos Jr. ang kanyang pangunguna sa PT2 namay reference share na 55.1%. Binanggit nila na ito ay isinalin sa pagtaas ng 3 porsyento mula sa kanyang preference shre na 52.3 porsyento sa PT1 na isinagawa noong Pebrero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinundan naman ito ni Vice President Leni Robredo na nanatili sa ikalawang puwesto na may preference share ng 21 porsyento.

Ayon sa Publicus, pareho ang kanyang numero noong Pebrero at Disyembe noong nakaraang taon.

Pangatlo naman si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na may preference share na 8.2%.

Nasa ikaapat at ikalimang puwesto naman sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Manny Pacquiao na may preference share na 4.2% at 1.8%, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Samantala, nanguna naman si Sara Duterte sa pagka-bise presidente na may preference share na 56.5%.

Tabla naman para sa ikalawang puwesto sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Doc Willie Ong, at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may preference share na nasa 11%. Sinabi ng Publicus na walang makubuluhang pagbabago sa istruktura ng pangkalahatang ranggo ang makikita mula sa pinaka bagong numero.

“The numbers suggest that there are still no changes in the overall distribution of vice presidential preferences. SARA is still firmly above the 50 percent mark. The three tied at second place are still struggling to break past the 15 percent mark,” saad ng pollster