Hindi makapaniwala ang online seller mula sa Masbate na si Jerelyn Elquiero Esteves na nakapasa siya sa board exam dahil hindi raw umano siya nakapag-review nang maayos dahil abala siya sa pag-online sell.

Nagulat na lamang ito ng batiin siya ng "congratulations" ng kanyang mga viewer sa kanyang Facebook live. Makikita rin na kinabahan siya dahil akala niya na nagbibiro lamang ang mga viewers.

"Oy, Diyos ko kinakabahan ako, wag niyo 'ko paiyakin. Ba, tingnan mo nga. Diyos ko wag ako mga mare," aniya sa live.

Ngunit hindi ito ang unang beses niyang pagkuha ng LET dahil noong 2019, kung saan siya ay hustong nakapag-review, ay hindi siya pinalad na makapasa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"2019 first take ko, kung sa pag-aaral lang sobrang puno na utak ko kare-review. Magastos at nakakapagod mag-aral dahil palipat-lipat kami ng place para lang maka-review, minsan inuutang ko pa yung pamasahe ko pero bumagsak ako," makikita sa caption ng kanyang viral video.

Dagdag pa niya, noong 2020 naman ay sinubok ulit siya ng panahon. Nagkasakit ang kanyang partner na si Roy Tañajura at wala ni piso ang natira dahil sa pabalik-balik nila sa ospital. Natigil rin nang 11 buwan ang kanilang negosyo.

Marami pa daw siyang pinagdaanan at sakripisyo bago niya nakamit ang pagiging guro. At dahil sa sipag at tiyaga ni Jerelyn, nakapagtapos siya ng Bachelor in Elementary Education sa Liceo de Masbate.

Labis din ang pasasalamat niya sa kanyang mga magulang, asawa, at lalong na sa mga viewers dahil sa walang sawang suporta na natatanggap niya.

Ayon sa kanya, kahit hindi mo alam ang isasagot sa exam basta kapag para talaga sa'yo ay ibibigay talaga ni Lord.

Maraming netizens ang humanga at natuwa sa determinasyon ni Jerelyn sa pag-aaral kaya't para sa kanila, deserve ni Jerelyn ang matamis na tagumpay.