Pinuri ng batikang aktor at certified Kakampink na si Edu Manzano ang katapangang ipinamalas ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo nang magtungo umano ito sa Basilan para sa gaganaping campaign rally ng Leni-Kiko sa Zamboanga Peninsula.

Niretweet ni Edu ang kuhang video ng ABS-CBN reporter na si Jervis Manahan, kung saan makikitang papababa na si VP Leni mula sa sinakyang bangka; nang mga panahong iyon ay gabi na. Nakasukbit naman sa kaniyang kanang balikat ang isang shoulder bag na kulay pink.

"VP@lenirobredo arrives in Basilan on a boat. #Halalan2022," saad sa caption.

Sey naman ni Edu, "I’ve traveled by boat to Basilan a number of times but NEVER at night!! Tapang!!!"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Image
Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano via Jervis Manahan

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Bakit ano meron kapag gabi?"

"Wala naman problema kung maliit basta di lang maalon. Kasi yung sa amin tuwing galing kami sa Cotabato pauli sa brgy namin. Pag wala ng pump boat na malaki. Nagre-rent kami yung maliit okay naman siya, saka may ilaw naman."

"Mas malaki ang alon kapag gabi. Zamboanga City-Isabela City has regular ferries, maybe because of the tight schedules of rallies, they missed the last ferry and had to take these small boats. It is quite a distance because an island/sandbar lies between the two cities."

"Delikado pag gabi… di makita kung merong threat."

Samantala, makikita naman sa opisyal na Facebook page ni VP Leni ang mga nakalatag na iskedyul para sa kanilang mga isasagawang People's rally habang sila ay nasa Katimugan ng bansa.

Naging mainit umano ang pagtanggap sa Leni-Kiko tandem sa Basilan.

"Bangka-ravan then caravan on the way to Basilan!"

"Ilang beses na rin tayo nagkakasama dito sa Isabela, at sa bawat pagbalik ay laging may iuuwing bagong pag-asa. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta!"

"Maraming salamat din sa RPC Basilan para sa ating masayang pagtitipon! Mabuhay po kayong lahat!"

Nagtungo rin ang Leni-Kiko tandem sa Isabela City batay sa kanilang mga updates sa opisyal na Facebook page.

May be an image of 2 people and text that says 'LayagLEn >>>>>>>> >>>PEOPLE'S RALLY >>>>>> KIKO ZAMBOANGA PENINSULA MARCH 17, 2022 BASILAN Brgy. Marang-Marang, Isabela City SINDANGAN Sindangan Municipal Sindangan Cultural Center Climaco Tा Freedom Park SINDANGAN Sindangan Municipal Hall BASILAN Marang- -Marang, Isabela SINDANGAN Sindangan Cultural Center ZAMBOANGA CITY Ateneo Zamboanga University ZAME ZAMBOANGA Ateneo de Zamboanga University Climaco Freedom Park'
Larawan mula sa FB/VP Leni Robredo