Inulit na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 17 na walang kinakampihan ang Pilipinas kaugnay ng patuloy giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nakaapekto sa ekonomiya sa buong mundo.

“We better maintain our neutrality. Let us avoid meddling in it so that we won’t get involved,” pagdidiin ni Duterte nang magtalumpatisa inagurasyon ng bagong Leyte Provincial Capitol sa Palo.

“I won’t commit. If the Americans engage in a war and they’re here, why will I send my soldiers? It’s not our battle to fight. If the violence spills over and the war somehow gets here, that will be very difficult,” anangPangulo.

“I won’t, I really won’t. For as long as I’m President, I won’t send a single soldier of mine to go to war. Hindi natin away ‘yan. Huwag tayong makialam," paglilinaw ng punong ehekutibo.

Inilabas na ni Duterte ang kahalintulad na pahayag nang bumisita ito sa Narvacan, Ilocos Sur noong Marso 4. Gayunman, balang araw aniya ay kinakailangan nang pumili ng Pilipinas ng papanigan.

Aniya, nagdarasal na lamang ito upang hindi na lumala at matapos na ang giyera na nakaapekto na sa presyo ng mga pangunahing bilihin, kabilang na ang produktong petrolyo.

Alexandria San Juan