NEGROS OCCIDENTAL - Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang 22-anyos na lalaking pinaghihinalaang drug runner matapos matagpuang laslas ang leeg nito at tiyan sa isang sementaryo sa Barangay Granada, Bacolod City kamakailan.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si DarwinNuñez, taga-Brgy. Estefania ng nasabing lungsod.

Sinabi naman ni City Police Station 5 chief, Capt. John Christopher Masangkay, nadiskubre ang bangkay ni Nuñez sa ibabaw ng isang nitso sa loob ng sementeryo sa lugar.

Bago aniya ang insidente, nakipagkita ang biktima at kaibigang 18-anyos na lalaki sa dalawa ring lalaki kaugnay ng umano'y illegal drug transaction sa sementeryo nitong Martes ng gabi.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Pagkatapos ng transaksyon, nakiusap umano sa biktima ang isa sa dalawang lalaki na samahan muli ito sa loob ng sementeryo upang hanapin ang nawawala pitaka, kapalit ng P500 na halaga ng gasolina.

Kaagad na pumayag ang biktima at iniwan muna ang motorsiklo sa kasamahan sa labas ng sementeryo.

Matapos ang ilang minuto, narinig umano ng kasamahan nito ang paghingi ng tulong ng biktima. Gayunman, sa halip na tulungan ay agad na tumakas ang kasamahan dahil na rin umano sa matinding takot.

Kinabukasan, natagpuan na lamang ang bangkay niNuñez sa lugar at narekober din ng pulisya ang isang kutsilyong ginamit sa krimen at isang helmet.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso matukoy at maaresto ang mga suspek.

Glazyl Masculino