Tatlong mambabatas ang nagbunyag na may₱4.99 bilyong pondo ang hindi pa nagagamit sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2.
Nais nila Bayan Muna party-list Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite na gumawa ng imbestigasyon ang mga kongresista sa usapin.
Naghain na ang mga ito ngHouse Resolution No. 2519 kasunod ng report ng Commission on Audit (COA) na nagpapakitang may kabuuang₱4.99 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2 ang hindi pa nagagamit hanggang sa kalagitnaan ng 2021.
Sa COA Report, ang naturang halaga ay bahagi ng mahigit sa kalahati ng mga pondo na inilaan para sa distribusyon sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs) at dapat sana ay ginamit o ginastos para sa pandemya.
“The COVID-19 pandemic has significantly worsened the economic crisis in the country and has strongly intensified the hardships experienced by the Filipino people,” ayon sa tatlong mambabatas.
“All resources allotted to respond to the pandemic and to aid citizens amid the worsening economic conditions should be distributed in a timely and effective manner to alleviate the suffering of ordinary Filipinos during the pandemic,” saad sa resolusyon.
Tinukoy ng COA na ang Small Business Corp. (SB Corp.), isang state-run company na nasa pangasiwaan ng Department of Trade and Industry (DTI), ay naglaan ng₱9.08 bilyong ipamamahagibilang "collateral-free, zero-interest loans para sa MSMEs sa pamamagitan ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program nito."
Gayunman, sinabi ng COA na ang SB Corporationay naglabas lang ng₱4.09 bilyon o 45.04 porsyento ng₱9.08 bilyon hanggang noong Hunyo 30, 2021 kaya ay natitira pang pondo na mahgitsa₱4 bilyon.