Sumalang ang misis ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, na si Dianna Lynn 'Dynee' Domagoso sa panayam ni King of Talk Boy Abunda na 'The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates, kung saan diretsahan niyang sinagot ang mga tanong at isyung ibinabato sa kanilang mag-asawa.

Isa sa mga isyung matapang at may conviction na sinagot ni Dynee ay ang laging ibinabanat daw ay Yorme na lagi itong nagmamadali.

"Lagi nilang sinasabi, 'Yan si Isko, nagmamadali…' Aba, dapat lang!" bulalas ni Mrs. Domagoso.

"Hindi puwedeng mas mabagal tayo kaysa sa problema. We need someone who can act fast. Man of action. And he can do it, as fast as time. That's Isko."

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Pagdating naman sa ilang mahahalagang isyung panlipunan, nagkakaisa sila pagdating sa divorce at abortion subalit nagkakaiba naman tungkol sa same-sex marriage.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/15/dynee-domagoso-pabor-sa-divorce-same-sex-marriage-abortion-non-negotiable/

Naniniwala si Dynee at ang kanyang panganay na anak na si Vincent Patrick Ditan na dapat nang isabatas ang divorce sa Pilipinas.

“Yes, malay mo hindi pa yun ang forever mo, di ba? We’re all here for the pursuit of happiness baka maging world to perdition yun eh,” aniya.

“I am for same-sex marriage, as long as there is a law that allows it, that’s okay. Okay sa akin yun,” siguradong sagot naman ni Dynee pagdating sa same-sex marriage.

Non-negotiable naman ang kaniyang pagtutol sa abortion.

"No, no talaga. Every life is sacred. ‘Pag dumating ‘yan kahit unexpected, binigay ng pagkakataon. Hindi ibibigay ng Diyos ‘yan kung di mo kakayaning lagpasan, so no,” ani Dynee.

Nauna nang naging kontrobersyal si Dynee nang batikusin niya ang pumapalyang internet connection ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa naganap na KBP Presidential Candidates Forum noong Pebrero 4.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/dynee-domagoso-may-patutsada-internet-nga-hindi-maayos-bansa-pa-kaya/