Kamakailan lamang ay napabalita ang reunion nina Diego Loyzaga at mga kapatid na sina Angelina, Samantha, at Francheska, kasama ang kanilang amang si Cesar Montano, ayon na rin sa pagbabahagi ni Diego sa kaniyang Instagram post noong Marso 11, 2022.

Makikitang naglaro ng badminton ang mag-aama. May kuha pa na nagbabasketball sina Diego at Cesar. Ayon sa IG caption ni Diego, "Fun fun fun family daaaay w/ Maestro and the twins."

Nagkomento naman dito ang dating misis ni Cesar na si Sunshine Cruz.

"Finally all five of you! More of this please."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga

Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga

Bago pa nito, ikinatuwa rin ng mga netizen ang pagkakaayos nina Diego at Cesar, matapos ang matagal nilang hindi pagkakaunawaan.

Hiling naman ng mga netizen na sana raw ay makasama sa susunod si Sunshine. Pero hindi ito ang unang beses na nagka-bonding sina Diego at ang kaniyang mga half sisters sa ama; sa katunayan, close na close sila sa isa't isa.

Samantala, isang netizen naman ang nag-isyu kay 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza na umano'y naunahan na raw siya ni Diego kay Angelina Cruz, na bet yata nito.

Sa isang Facebook post ni Xian noong Marso 7, ibinahagi niya ang screengrab ng naging usapan nila ng isang 'chismosong netizen.' Kung saan ay inasar siya na naunahan na umano siya ni Diego Loyzaga kay Angelina Cruz.

"Sir Xian, wala na, magkasama na sina Diego Loyzaga at bebe mong si Angelina Cruz," bungad ng naturang chismosong netizen at nagpadala pa ng mga litrato nina Diego at Angelina habang magkasama.

Tila nag-init naman ang ulo ni Xian at sinagot ito, "Half siblings sila dahil parehas nilang ama si Cesar Montano gunggong."

Natatawang humingi naman ng paumanhin ang naturang 'Tolits' (Tol, anong latest?) at sinabi niyang idolo niya si Xian.

"GANDA-GANDA NG GISING KO EH BIGLA AKONG NA-BADTRIP SA DEPUNGGAL NA 'TO," banat pa ni Xian.

May be an image of 5 people and text that says 'Sir Xian, wala na, magkasama na si Diego Loyzaga at bebe mong si Angelina cruz 1atail Posts angelinaisabele 日 angelinaisabele 74coms sunshinecruz718 diegoloyzaga â 口 Ο 4:34PM ® .al Posts diegoloyzaga Aa'
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

May be an image of 2 people and text
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sina Diego at Angelina ay half siblings. Ang ina ni Diego ay si Teresa Loyzaga na dati ring nakarelasyon ni Cesar Montano.