Pansamantalang natigil ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Miyerkules ng umaga matapos na tumirik ang isa sa kanilang light rail vehicles (LRVs).

Dakong alas-10:22 ng umaga ay nag-abiso ang Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, na magpapatupad sila ng 25 kilometer per hour (kph) speed restriction mula Baclaran hanggang Balintawak dahil sa aberya.

Kaagad namang rumesponde ang kanilang mga technician upang ayusin ang naging problema ng naturang bagon.

Dakong 10:30 ng umaga, napilitan na ang LRT-1 na magpatupad ng ‘stop for safety’ mula Baclaran hanggang Balintawak habang inaayos ng mga technician ang problema sa apektadong tren sa pagitan ng Baclaran at EDSA stations.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Pagsapit naman ng 10:47 ng umaga, nagpatupad na lamang ang LRT-1 ng limitadong operasyon mula V. Cruz Station hanggang sa Balintawak Station na lamang at pabalik habang patuloy na inaayos ang problema.

Pagsapit ng alas-11:08 ng umaga ay nasolusyunan na ang problema at naibalik na sa normal na operasyon ang mga tren ng LRT-1.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Baclaran, Parañaque City hanggang sa Roosevelt sa Quezon City. lamang