Nakikita ni reelectionist Senator Leila de Lima ang dalawang dahilan sa likod ng “iresponsableng” red-tagging sa kampanya ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

“The red tagging against VP Leni’s campaign shows two things: 1. VP Leni is soaring regardless of what the surveys say; and 2.The other candidates are panicking,”ani De Lima sa Twitter.

Iginiit ng ilang personalidad, kabilang ang presidential candidate na si Senator Panfilo Lacson at Cavite 3rd District Rep. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, na ang mga miyembro ng komunistang grupo sa bansa ay kabilang sa dumalo sa malalaking campaign rallies ni Robredo.

Sinabi pa ni De Lima na ang red-tagging ay isang iresponsableng gawain na naglalagay lang sa panganib sa ilang buhay.

“Red-tagging does nothing but put the lives of people in danger. It is irresponsible and vile,” sabi ng senador.

Tinawag din ng nakabilanggong mambabatas ang red-tagging sa kampo ni Robredo bilang isang "desperate attempt, at "bad propaganda" para pahinain ang "Kakampink revolution."

Tirada ni De Lima, “When we rightfully called for government aid and efficient response amid the pandemic, we were red-tagged; when we called for investigations on the killings and persecutions, we were red-tagged. Lahat na lang ng hindi kayang panindigan at pagtakpan, red-tagging ang sagot.”

Sinabi rin niya na ang nasabing aksyon ay dapat na ma-criminalize upang bigyang parusa ang mga patuloy na nag-uudyok ng karahasan laban sa mga kritiko ng gobyerno at oposisyon.

“As long as red-tagging remains to be a go-to strategy of the State against its perceived enemies, hindi titigil ang mga aroganteng enablers na ito,” dagdag ni De Lima.

Betheena Unite