Hinangaan ng ilang netizens ang matalas na mga sagot ni Vincent Patrick Ditan, panganay na anak nina Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno at Dynee Domagoso, sa pagsalang nito sa panayam ni Boy Abunda.

Matapang na sinagot ni Patrick ang ilang mabibigat na tanong kabilang ang mga karaniwang isyung kinahaharap ng mga Presidential aspirants.

Sa usapin ng divorce, naniniwala ang 21-anyos na panganay ng mga Domagoso na dapat hindi pagkaitan ang sinuman na kumawala sa isang marriage.

“I think people should have the right to decide if a marriage is not for them so I am for divorce,” saad ni Vincent.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sumasang-ayon din si Vincent sa same-sex union, isang kasunduan kung saan ang karapatan ng heterosexual marriages ay matatamasa ng dalawang nagsamang same-sex partners. Ang pagkakaiba lang, wala nitong basbas ang simbahang Katolika.

“I am for the same-sex civil union not for same-sex marriage,” ani Vincent.

Matatandaang tutol din ang ama nito sa same-sex marriage.

Gayunpaman, aniya, bukas siya sa usapin na ito. “At this point in time, we need to have a discussion in it.”

Matapang at kumpiyansa din itong nagbigay ng reaksyon nang matanong kaugnay ng mga kaibigan na humihingi ng pabor mula sa opisina ng ama.

“Generally, I won’t indulge them. But there are some good friends of mine that are asking for a bit of a connect which I am more than happy to do. It depends to the favor they ask like they won’t ask too much. A meeting is okay, it’s normal. That’s good. Anything more, I generally don’t.”

&t=1217s

Dahil sa matalas na pagtugon ni Patrick, umani ng positibong mga komento sa netizens ang binata.

“Admire this son who has the confidence to answer issues that are controversial. [emoji]” saad ng isang netizen.

“Very articulate, magsalita si Patrick. Wow na wow ang family ni Yorme. Alam mong magaling. At well educated,” komento ng isang tagasuporta ni Isko.

“Ang talino.. great answers.. napakaconcise and intelligent,” pag-sang-ayon ng isa pa.

“The son speaks with substance. Very intelligent.”

Samantala, naniniwala si Patrick na ang mga nagawa ng ama sa Maynila lalo na noong kasagsagan ng pandemya ay patunay na kaya nitong pamunuan ang buong bansa.

Si Patrick ang unang anak ni Dynee bago mapangasawa si Isko.