Sa loob lamang 30 minuto, nakahuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 25 sasakyang iligal na nakaparada sa bahagi ng Mabuhay Lanes sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Dalawa sa mga nasabing sasakyan ang hinatak matapos silang maaktuhan ng mga MMDA na nakaparada sa Mabuhay Lane route No. 1 sa Panay Avenue sa lungsod.

Tinikitan naman ang 23 iba pang sasakyang iligal na nakaparada sa lugar.

Idinahilan ng MMDA, bahagi lamang ito ng kampanya ng ahensya upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, lalo na Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nilinaw ng MMDA na ang multa parusa para sa attended illegally-parked vehicles ay P1,000 habang P2,000 naman para sa unattended illegally-parked vehicles.

Ang mga sasakyang hinatak ayididiretsosa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina.

Nangako naman si MMDA Chairman Romando Artes na regular na ang isasagawang clearing operations sa kahabaan ng Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta para sa EDSA.