Napagtanto ni Mariel Rodriguez-Padilla na hindi pala madali ang pagsasagawa ng online selling at live pa, matapos niyang magbenta ng mga mamahaling pre-loved items, na ayon mismo sa kanilang mag-asawang si senatorial candidate Robin Padilla, ay para sa pangangampanya nito.

"Mahirap pala maging online seller, kakapaos", nasabi na lamang ni Mariel matapos dagsain ng mga miners hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Nairaos naman ito ni Mariel dahil sanay na sanay naman siyang bumangka talaga, yamang isa siyang TV host at kalog din.

Ayon kay Mariel, bagsak-presyo na ang mga item na kaniyang itininda, na karamihan ay nabili niya noong 'hoarding days' pa niya. 'Pikit-mata' na nga lang daw siya dahil ang ilan sa mga ibinebenta niya ay may sentimental value pa, na ang iba ay limited edition pieces pa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Mariel Rodriguez-Padilla

May be an image of indoor
Larawan mula sa FB/Mariel Rodriguez-Padilla

"This is it!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tonight i will fulfill my dream to be an online live seller!!! I have been watching live sellers almost everyday haha (I swear it’s addicting!!!?) and at 9pm tonight on my Instagram and Facebook I will go live and mga Sis pwedeng pwede na kayo mag “MINE” all from my personal collection ? seeeeee youuuu!!! All bagsak floor price to the maaaax!!!" saad pa niya sa kaniyang Facebook post bilang imbitasyon sa lahat ng mga tagahanga at tagasubaybay na posibleng maging miners niya.

"Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days," pasasalamat ni Mariel sa isang Facebook post nitong Marso 16, 2022 matapos maging matagumpay ito.

"Thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefull, I can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako ???? in the meantime I ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Please bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!"

Bukod dito, inabangan din talaga ang kaniyang mga pa-give aways na hindi rin basta-basta, gaya ng Valentino, Louis Vuitton, Dolce & Gabbana, Hermes, Fendi, Prada at Dior.

Samantala, mapapansin naman na panay komento ang kaniyang mister na si Robin habang nagsasagawa ng live selling ang misis. Mukhang ang pagbebentahan umano sa mga pre-loved items ni Mariel ay mapupunta sa mga gastusin sa pangangampanya nito, na alam naman ng lahat na hindi biro at talagang nangangailangan ng malaking halaga.

Pabiro pang banat ni Robin, mukhang nakatulong pa ang kandidatura niya upang lumuwag ang dressing room ng misis. Karamihan daw sa mga naibenta nito ay mas 'nahihimas' pa ng misis kaysa sa kaniya.

"Babe hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon, nakakuadro ang mga gamit mo na 'yan, mas nahihimas mo pa nga kaysa sa akin ang mga bag at sapatos mo…"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/

Hindi raw siya makapaniwala sa mga sakripisyo ng kaniyang misis na si Mariel alang-alang sa pagsuporta nito sa kaniyang kandidatura.