Ikinagulat ng ilang netizens ang isang Tiktok video kung saan makikita si Presidential daughter Kitty Duterte kasama ang dalawang kaibigan na nakiki-jam sa tugtog na “Kay Leni Tayo.”

Sa Tiktor account na windinthedoves, makikita ang nasabing video na agad nag-viral at nag-trending sa Twitter.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

https://twitter.com/julslexa/status/1503963816068988930

https://twitter.com/ximply_jian/status/1503991043435360258

https://twitter.com/gnotoais/status/1503984200671989763

Umasa rin agad ang ilang tagasuporta ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa inakalang pagsuporta ng presidential daughter sa kandidato.

Ngunit ilang oras matapos umagaw ng atensyon online, agad na binura ng Tiktok user ang video sa kanyang account.

Na-screenshot pa ng isang netizen ang tugon ng user at pinabulaan ang mga nagsasabing tagasuporta ni Robredo si Kitty.

https://twitter.com/haniverze/status/1504017996473581571

Sa isa pang panibagong Tiktok video, tila kumambyo na ang presidential daughter ng tanungin kung sino talaga ang presidente nito.

"Pula," agad na sagot ni Kitty.

Maalala na pula at berde ang kulay ng kampanya ng UniTeam tandem nina Presidential candidate Bongbong Marcos at ang kapatid ni Kitty na si Vice Presidential aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Hindi naman nagustuhan ng ilang Kakampinks ang tila pang-iinsulto umano ng presidential daughter.

https://twitter.com/julixxx_00/status/1504057124514824194

https://twitter.com/hookedthoughts/status/1504040846836236288

Nagpaalala rin ang isang netizen na iwasang kundenahin si Kitty dahil sa kabila ng magkakaibang politika, isa pa rin itong menor de edad.

https://twitter.com/FlyingKetchup/status/1504029947714629632