Nagpahayag ngpagtutol ang Department of Transportation (DOTr) sa panukalang taasan ang minimum na pasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinahimpapawid nitong Miyerkules ng umaga, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang pagpapatupad ng fare hike o taas-pasahe ay makaaapekto rin sa inflation rate.

“Kaya nga ang position ng Department of Transportation ngayon, ‘yung Kagawaran ng Transportasyon, ay hindi ho magtaas ng fare hike,” ayon kay Tugade.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Kasi ‘yung impact ng fare hike… tatamaan ho ‘yung tinatawag natin na inflation rate. Kaya ang position namin, ‘wag kayo magtaas ng pasahe, tanggapin ang ayuda, gamitin ‘yung subsidiya,” pahayag nito.

Matatandaang ilang transport group ang naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at humihiling ng dagdag-pasahe, sa gitnangpatuloy na pagsirit ng presyo ng krudo dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dinidinig na ng LTFRB ang naturang petisyon habang nananatili pa rin ang minimum fare sa P9.

Kasalukuyan na rin namang namamahagi ang LTFRB sa bawat public utility vehicle operator ng P6,500 na fuel subsidy.