Tiniyak ng pamunuan ng National Water Resources Board (NWRB) na hindi makararanas ng krisis sa tubig sa Metro Manila.
Paglilinaw ni NWRB executive director Dr. Sevilla David, Jr.,walang pagbabago sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam.
Dahil dito aniya, hindi naman inaasahan ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa naturang rehiyon.
Nakatulong din aniya ang manakanakang pag-ulan nitong nakalipas na araw para hindi masyadong mabawasan ang tubig sa nabanggit na water reservoir.
Sa huling ulat ng Hydrometeorological Division ng Philippine Atmosheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), aabot na sa 194.02 meters ang water level ng dam nitong Marso 16 at malayo pa sa critical level na 160 meters.
Inaasahan naman ng NWRB na masisimulan na ang pagsasagawa ng cloud seeding operations upang makatulong sa pagpapaangat ng lebel ng tubig ng dam.