Sa latest issue na kinasangkutan ni Megastar Sharon Cuneta hinggil sa pagpalag niya sa pag-awit ni senatorial candidate Salvador 'Sal' Panelo ng awiting 'Sana'y Wala Nang Wakas' na umani ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen at maging sa mga kapwa celebrity, marami sa mga netizen ang nagtatanong kung ano raw ang masasabi rito ng direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap, na tagasuporta ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/10/megastar-gigil-kay-panelo-sa-pagkanta-nito-sa-kaniyang-iconic-song-sa-isang-event/

Binura na ni Mega ang lahat ng mga patutsada posts niya sa social media matapos ang paghingi ng dispensa ni Panelo at pagpapaliwanag na paborito niyang awitin iyon, lalo't isa siyang Sharonian, at alay niya ito sa yumaong anak na si Carlo Panelo III na may Down Syndrome.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/13/sharon-kumambyo-binura-ang-ig-post-laban-kay-sal-panelo/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagama't walang kahit na anomang cryptic o parinig sa social media si Yap, nasaliksik ng Balita Online ang posibleng dahilan kung bakit nga ba wala siyang komento o patutsada sa Megastar.

Ayon sa Facebook post ni Yap noong Pebrero 28, 2022, makikitang hayagang sinabi ng direktor na ang kaniyang sinusuportahang bise presidente ay si Davao City Mayor Sara Duterte, na katunggali ng mister ni Mega na si Senador Kiko Pangilinan.

"Ansarap magmahal ng bisaya. Labyu Inday Sara Duterte, ikaw ang aking Bise-Presidente," saad sa caption ng direktor kalakip ang litrato niya na nakasuot ng green sweater na may hood, na may nakalagay na 'SARA ALL 2022'.

May be a closeup of 1 person, eyeglasses and text that says 'SARA ALL 2022'
Larawan mula sa FB/Darryl Yap

Larawan mula sa FB/Darryl Yap

At mukhang binubura naman ni Yap ang mga negatibong komento laban kay Sen. Kiko dahil mahal umano niya si Sharon.

"Hi Guys, sorry— I am deleting disrespectful comments pag tungkol kay Kiko, I love Sharon Cuneta very much. Sensya na po."

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizen.

"Nice gesture."

"Darryl Yap didn't expect this disclaimer of yours, Direk. Pero this makes us adore and respect you more."

"Darryl Yap hala oo nga pala noh. Gustong gusto ka rin ni Sharon. Sana hindi magbago 'yon dahil sa paninindigan mo ngayon ? kasi ako hahahaha ayon na unfriend na ng mga friends, hindi lang sa social media pero in real life ?."

Matatandaang nagkatrabaho sina Darryl Yap at Megastar dahil sa pelikulang 'Revirginized' ng Viva Films noong 2021 kung saan nakatambal ni Mega ang hunk actor na si Marco Gumabao.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/02/nasarapan-si-mega-sharon-cuneta-may-kinasasabikan-matapos-ang-revirginized/

Hindi umano nagsisisi si Mega na tinanggap niya ang movie project na ito, dahil nasa punto na umano siya ng kaniyang showbiz career, na nais niyang mag-eksperimento at gawin ang mga uri ng proyektong hindi aniya nagawa noon. Pareho rin silang nagpo-post ng appreciation nila sa isa't isa. Humihirit pa nga ng part 2 ang mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/10/kapag-natuloy-ang-part-2-kasing-payat-na-ako-ni-angel-aquino-sharon/

"Based on your comments on all social media platforms (thank you!!!), there is a clamor for a part two of “REVIRGINIZED!” You in, guys? Calling @vincentimentsofficial @direkdarrylyap @vivamaxph @viva_films !!! I’D LOVE TO DO A SEQUEL! Everyone, you might wanna let Direk and vivamax know yourselves, too! @gumabaomarco @therealrosannaroces!" saad pa ni Mega.