Kumpiyansa ang miyembro ng UniTeam at Presidential candidate na si Bongbong Marcos na ilang mga Pilipino ang dalubhasa at eksperto upang tugunan ang matagal nang suliranin ng bansa sa mabagal na internet connection.

Ito ay malinaw sakanyang mga pahayag nitong Miyerkules, Marso 16 sa kanyang guesting sa Kapihan sa Manila Bay news forum. Dumalo si Marcos sa event sa pamamagitan ng Zoom.

“Na-inspire” ang dating senador na pag-usapan ang isyu nang ilang beses na huminto ang kanyang koneksyon habang siya ay iniinterbyu.

“I’m having internet trouble because the internet here has been… let’s talk about Internet. That’s something we need to attend to. I’ve spoken already to so many people about it and there are ways to do it,” ani Marcos.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Pagpupunto ng kandidato, “I always say if South Korea can do it, they are the fastest, most well-connected, biggest bandwidth for consumers, why can we not just do what they did? Dami naman magaling na Pinoy sa IT (information technology), ang daming magaling na Pinoy, kayang-kaya nila ‘yan.’

Sa pagsasalita tungkol sa Internet at sa worldwide web, sinamantala ni Marcos ang mga benepisyo ng social media sa pagpapalaganap ng kanyang mensahe sa kampanya bago ang botohan sa Mayo 2022.

Isa ring prolific vlogger sa YouTube at sikat na TikToker ang kandidato.

Ellson Quismorio