KIDAPAWAN CITY — Sa patuloy na pagsisikap na masakop ang mas maraming lugar para sa kanyang kampanya, sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Martes, Marso 15, na hindi tinitingnan ng kanyang kampo kung mayaman sa boto ang isang probinsya o kung baluwarte ba ito dahil nais niya na lalong makadaupang-palad ang mga tao at mag-convert ng mas maraming botante.

Iginiit ni Robredo na sa kanyang karanasan, mahalagang bisitahin ang “maraming lugar hangga’t maaari” dahil marami siyang maco-convert na botante sa mga pagbisitang ito.

Sa pagbanggit ng “internal survey” ng kanyang kampo, binanggit niya ang "significant sruge in numbers" pagkatapos niyang bisitahin ang isang lugar.

“Wala kaming pinipili. Kung napapansin nyo din, hindi kami ‘yung nagbibigay ng mas maraming oras sa mga balwarte, sa mga hindi balwarte, hindi, hindi ganun. Sa amin, walang maliit, walang malayo, walang balwa-balwarte,” ani Robredo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Ang treatment namin sa lahat ng lugar sa Pilipinas, pareho. Whether nanalo kami, natalo kami during the last elections, yung pagpapakilala, yung pagpapahayag ng platform tsaka paniniwala, pareho pa rin,” dagdag niya.

Ikinalungkot ng tanging babaeng kandidato sa pagkapangulo na ang tanging kalaban nila ay ang oras kaya sinisikap nilang bisitahin ang maraming lugar na maaari nilang masadya sa isang araw.

“I wish we would have more time kasi mas gusto ko din mas babad sana para mas quality ‘yung engagement. But we make do,” aniya.

Ang Bise Presidente ay naglilibot sa Kidapawan City sa North Cotabato, Koronadal City at General Santos City sa South Cotabato, Tacurong City, Cotabato City, Basilan, Zamboanga del Norte, at Zamboanga del Sur ngayong linggo.

Nitong Martes, sina Robredo at running mate na si Sen. Kiko Pangilinan ay sinalubong ni Kidapawan Mayor Joseph Evangelista at mga empleyado ng city hall sa Kidapawan City Hall sa North Cotabato. Sa labas, ang kanilang mga tagasuporta, karamihan sa mga kabataan, kung saan mainit silang tinanggap.

Tulad ng lahat ng campaign rallies ni Robredo, mapapansin din ang hawak nilang mga handmade placards para mabasa ng presidential candidate.

Malugod ding tinanggap ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco at iba pang matataas na lokal na opisyal ang Robredo-Pangilinan tandem sa provincial capitol.

Ang dalawang kandidato ay huminto sa kampanya sa mga lungsod ng Kidapawan at Koronadal upang samahan ang kanilang mga tagasuporta sa mga campaign rally.

Raymund Antonio