Nitong Marso 14, 2022 ay laman ng usap-usapan ang patutsadahan nina Valentine Rosales at 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, tungkol sa 'pasabog' ng una tungkol sa karanasan niya umano sa isang convenience store na pinagbilhan niya ng 'Speak Cup', na batay sa pananaliksik ay sarado na pala.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/xian-gaza-valentine-rosales-nagkasagutan/

Dahil dito ay nagkasagutan sila ni Xian Gaza na nagpaimbestiga pa umano para lamang patotohanan na wala talagang 7-Eleven branch sa mall na kaniyang binanggit.

Batay sa pagsisiyasat ng Balita Online, napag-alamang kumpirmadong sarado na nga ang branch na tinukoy ni Valentine sa kaniyang post.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/7-11-branch-na-tinutukoy-ni-valentine-rosales-kinumpirmang-sarado-ng-balita/

Nakisali na rin sa patutsada ang kaibigan ni Xian at direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap, na kilalang tagasuporta ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/darryl-yap-binasag-ang-pasabog-ni-valentine-rosales-hindi-ko-alam-kung-tatawa-ako-o-maaawa/

Ngunit bago matapos ang gabi, binitiwan na ni Xian ang pinakamalaking pasabog niya. Aniya, hindi raw totoong Kakampink si Valentine at binayaran lamang daw para isang black propaganda.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/valentine-bayad-daw-para-siraan-ang-kakampink-community-kampanya-ni-robredo-xian/

Isa sa mga nagbigay ng reaksyon dito ang social media influencer at isa sa mga tumayong host ng campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Isabela, na si Ina Evans o 'Ate Dick', sa pamamagitan ng kaniyang tweet nitong Marso 14, 2022.

Aniya, nagtutulungan ang mga boluntaryong Kakampink para sa kampanya at heto raw ang isang 'famewh*re' na lumabas na isang Kakampink na may 'gawa-gawang kuwento'.

"Nagtutulungan kami lahat at nagvovolunteer to help VP Leni's campaign tapos lalabas ka as Kakampink with all your made up story para lang makakuha ng engagement?," gigil na sabi ni Ate Dick.

"Kinanginang famewh*re ka talaga kahit kailan. Hindi ka naman nakakatulong sa cause. TAMA NA VALENTINE KADIRI KA NA," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Ate Dick

Batay sa comment section, ang hinuha ng mga netizen na pinariringgan niyang 'Valentine' ay si Valentine Rosales na hot topic sa araw na iyon.

Si Ate Dick din ang nagpatutsada sa mga 'content creators na direktor' na gumagawa umano ng mga 'basurang contents'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/13/ate-dick-nagparinig-sa-content-creators-na-gumagawa-ng-mga-basurang-content/

"Tayong mga Kakampink, guide natin ang isa’t isa. Huwag na tayong maging guide sa maling paraan. Di ba may mga ibang content creators na direktor na gumagawa ng mga basurang content, ngayon pati mga talent niya, nagiging basura na rin," hayag ni Ate Dick sa naganap na grand rally ng tambalang Leni-Kiko sa Isabela, Marso 12, 2022, kasama sina Krissy Achino at Alex Diaz.

Samantala, kumakalat naman ang mga litrato ni Valentine Rosales na nagpapakita ng pagsuporta kay senatorial candidate Salvador Panelo, na nasa ilalim ng tiket ng UniTeam.

Sa kaniyang latest Facebook post, makikita ang kaniyang sagot sa bashing na natatanggap niya:

"People often ask me if I’m sad? how do I remain strong? How do I handle bashing?"

"I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness. I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything. You can no longer lose if you already lost everything.

"People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn."

"In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger. Goodnight."

Screengrab mula sa FB/Valentine Rosales