Namayagpag ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa pre-election survey ng Pulse Asia para sa pagka-senador.

Sa inilabas ng resulta ng Pulse Asia nitong Lunes, Marso 14, nakitang 14 na senatorial candidates ang may tsansang manalo sa May 2022 elections, na halos lahat sa kanila ay incumbent o 'di kaya'y dating miyembro ng Kongreso.

Nanguna si Tulfo na may 66.9 percent.

Nasa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto sina Antique Rep. Loren Legarda (58.9 percent), dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar (56.2 percent), at Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (55 percent).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Habang nasa ikalima hanggang ikapitong puwesto sina Senador Juan Miguel Zubiri (50.5 percent ) at Sorsogon Gov. Francis Escudero (49.8 percent).

Ang iba pang mga senatorial candidates na may statistical chance na manalo base sa huling datos nitong Pebrero 2022 ay sina Robin Padilla (47.3 percent), former Vice President Jejomar Binay (45.6 percent), Senador Sherwin Gatchalian (44.6 percent), at Senador Joel Villanueva (42 percent).

Dating Senador Jinggoy Estrada (38.6 percent), sinundan ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (32.8 percent), Senador Risa Hontiveros (32.3 percent), at dating Senador JV Ejercito (31.6 percent).

Samantala, sinabi ng Pulse Asia na 1.4 percent ng mga respondent ang nag-aalinlangan hinggil sa kanilang mga pagpipiliang senador, 0.3 percent naman ang tumangging pangalanan ang kanilang kandidato sa pagkasenador, at 0.8 percent ang hindi boboto sa sinumang senatorial bet.

Isinagawa ang Pulse Asia survey noong Pebrero 18 hanggang 23 na may 2,400 respondents na may edad 18-anyos pataas na pawang mga botante.