Muling pinagdiinan ni Nadine Lustre na isa siyang Kakampink at ang sinusuportahan niya sa darating na halalan ay ang Leni-Kiko tandem.

Muli niyang inulit ito sa naging panayam sa kaniya ng 'Buwis Ko Para sa Bayan Ko' hosted by DJ Chacha at Mon Abrea.

Screengrab mula sa FB

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

"Before I say it, well… bakit ko ba patatagalin pa, alam naman na ng lahat na Team Pink din ako," wika ni Nadine.

"I’ve been very vocal about it, I’m very very vocal about it just because, gaya nga ng sinabi ni Mon kanina, ano talaga, maganda yung track record, and I really see that, you know, na si Madam Leni tsaka si Sir Kiko, very ano talaga sila, they really care about the country, yan."

Pagdidiin pa ni Nadine, kung ang iboboto raw ay 'corrup' at may 'dirty record' ay baka marami raw ang gumaya rito.

"Yun nga, track record din talaga, but, what I wanted to say actually was what Mon was saying earlier, yung information na ‘yan will be very very useful, kasi, you know, if you’re going to vote for someone who’s corrupt and who has a dirty record, ang ending kasi niyan lahat ng… marami ding gagaya, you get what I mean?"

"So, kung iboboto natin is malinis, walang dayaan, walang magkukupitan, walang… 'di ba? Yun yung, yun lang naman yung gusto nating lahat at the end of the day, maging patas, maging maayos, tsaka maging maganda yung buhay ng mga Pilipino."

Biro tuloy ng mga host, "Si Nadine Lustre ang iboboto ko! Pangalan mo ang isusulat naming sa paparating na eleksyon!"

Matagal nang sinabi ni Nadine na siya ay isang certified Kakampink.