Matapang na ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang kanyang tunay kalagayan ngayon.

Sa kanyang Facebook at Instagram post nitong Marso 13, ipinost niya ang isang video na naglalaman ng mga larawan niya habang nasa ospital at art card na kung saan nakasalaysay ang kanyang kuwento.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Marso 10, na-admit si Kris para sa preliminary test kabilang ang PET/CT scan, upper endoscopy, at bone marrow aspiration. 

Laking pasasalamat ni Kris dahil walang na-detect na tumor at cancer.

"I am so thankful our prayers are being heard by our Lord and Savior. Maraming salamat for being our prayer warriors. From the PET/CT Scan results, Dr. Francis gave me the happy news, walang tumors, no cancer detected," aniya.

Gayunman sa kanyang upper endoscopy, nakitaan siya ng kanyang doktor ng erosive gastritis at gastric ulcer.

Sinabi ni Kris nasaktan siya nang sobra sa isinagawa bone marrow aspiration na kailangan para sa biopsy.

"Kumuha ng bone fluid from my back pelvic bone. That sample is now being tested to rule out a blood related disorder associated with my weight loss and my being anemic," pagbabahagi ng Queen of All Media.

"I won't lie to you, there's this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine but apart from my medicinal limitations, halos na wala kasi akong fat to help "cushion" my bones kaya exag (exaggerated) ang sakit, skin then diretso sa buto. Process & hit or miss para makahanap ng okay na pwesto paghihiga at kung uupo," saad pa niya.

Palagi lamang daw niya pinapaalalahanan ang kanyang sarili na patuloy na magpasalamat sa Diyos dahil pansamantala lamang ang sakit na nararamdaman niya.

"Malalagpasan rin kaya bawal umangal, marami mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal," dagdag pa niya.

Nitong Marso 14, nakauwi na sila galing ospital at maghihintay na lamang ng resulta ng isinagawang bone marrow aspiration.

"Nakauwi na kami... this was our last pic before heading to our temporary, leased home... maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through them binigay ni God so much more than i could ever deserve. #grateful #family," ani Kris sa kanyang post.

Pinasalamatan din niya ang mga kapamilya, doktor, nurses, at mga kaibigang patuloy na ginagawa ang lahat upang lubusan siyang gumaling.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/14/kris-muling-nagbigay-ng-update-hindi-mahaba-ang-caption-nasa-art-cards-sa-video-na-kinarir-ko/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/14/kris-muling-nagbigay-ng-update-hindi-mahaba-ang-caption-nasa-art-cards-sa-video-na-kinarir-ko/