Ano ang kinahantungan ng isang mamamahayag na bigla na lang umeksena sa likod ng isang anchor bitbit ang matapang na mensahe laban sa pananakop ni Vladimir Putin sa Ukraine?

Matapang na nagprotesta ang isang mamamahayag habang umeere ang isang Russian network channel gabi ng Lunes, Marso 14. Habang nasa live broadcast ang isang news program sa Channel One, biglang lumabas sa likuran ng anchor si Marina Ovstannikova bitbit ang isang

“No war,” mababasa sa placard ng empleyado. “Stop the war. Don’t believe the propaganda. They are lying to you,” dagdag nito.

Maririnig din na sinasabi ng mamamahayag ang mga salitang “Stop the war! No to war!”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinubukan pang kontrolin ng anchor ang sitwasyon sa pamamagitan ng mas malakas na pagbabasa sa teleprompter ngunit narinig at nabasa na ang mensahe ng mamamayahag bago pa nawala sa ere ang programa.

Bago ang matapang na protesta ni Ovsyannikova, naglabas na rin ito ng pahayag sa pamamagitan ng Russian-based human rights group na OVD-Info.

&t=4s

Aniya sa isang pre-recorded video, “What is happening now in Ukraine is a crime.Russiais the aggressor and this aggression is one the conscience of only one person, and that person is Vladimir Putin. My father is Ukrainian and my mother is Russian, and they were never enemies.”

Nagpahayag din ng pagsisisi ang mamamahayag na naging kabahagi pa umano siya ng pagpapalaganap ng Russian Propaganda bilang patnugot sa Channel One.

“Regrettably, for a number of years, I worked on Channel One and worked on Kremlin propaganda, I am very ashamed of this right now. Ashamed that I was allowed to tell lies from the television screen. Ashamed that I allowed the zombification of the Russian people,” aniya.

Matapos ang insidente, naiulat na inaresto ng awtoridad si Ovsyannika. Nasa kustodiya ng pulisya sa Moscow dinala ang mamamahayag.