Nagkakaisa si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno at kanyang asawa na si Dynee Domagoso pagdating sa isyu ng divorce at abortion. Magkaiba naman ang kanilang pananaw tungkol sa same-sex marriage.

Naniniwala si Dynee at ang kanyang panganay na anak na si Vincent Patrick Ditan na dapat nang isabatas ang divorce sa Pilipinas.

“Yes, malay mo hindi pa yun ang forever mo, di ba? We’re all here for the pursuit of happiness baka maging world to perdition yun eh,” ani Dynee sa tanong ni Boy Abunda sa The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates.

“I think people should have the right to decide if a marriage is not for them so I am for divorce,” pagsang-ayon naman ni Vincent sa ina.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Magkahati naman sa magkakaibang pananaw si Isko, Dynee at Vincent sa usapin ng same sex marriage.

Sumasang-ayon si Vincent sa same-sex union, isang kasunduan kung saan ang karapatan ng heterosexual marriages ay matatamasa ng dalawang nagsamang same-sex partners nang walang sagradong basbas ng simbahang Katolika.

“I am for same-sex civil union not for same-sex marriage,” ani Vincent.

Gayunpaman, aniya, bukas siya sa usapin na ito. “At this point in time, we need to have a discussion in it.”

“I am for same-sex marriage, as long as there is a law that allows it, that’s okay. Okay sa akin yun,” siguradong sagot naman ni Dynee.

Nauna nang sinabi ni Isko sa presidential interview ng GMA Network na hindi siya pabor sa same-sex marriage.

Samantala, non-negotiable naman sa pamilya ang abortion sa paniniwalang ang bawat buhay ay sagrado.

“No, no talaga. Every life is sacred. ‘Pag dumating ‘yan kahit unexpected, binigay ng pagkakataon. Hindi ibibigay ng Diyos ‘yan kung di mo kakayaning lagpasan, so no,” ani Dynee.

“No, I think every life has to be valued,” pagsang-ayon ni Vincent.

Nauna na ring nagsapubliko ng mariing pagtutol si Isko sa naturang usapin.