Pinabulaanan ng ilang welfare advocates ng deaf community ang kumakalat na fake news kung saan makikita umano sina Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at kanyang running mate na si Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan na ginagawa ang isang satanic salute.

Sa isang post ng page na Bbm-Solid Supporters Uniteam sa Facebook, makikita ang larawan nina Robredo at Pangilinan na ginagawa ang isang handsign. Agad na alegasyon ng naturang page, “devil's horn” umano ito.

“Bagong hand sign ng Pinklawan “devil’s horn” so pagkagaling sa simbahan at bendisyon ni Padre Damaso ‘yan ang hand sign?? Ano ba talaga puso o laban sign nanay? Naguluhan na mga alipores nyo,” mababasa sa caption ng Facebook post.

Ang larawang ginamit ay nakumpirmang larawan ng tandem sa naganap na grand campaign rally sa Paglaum Sports Complex sa Bacolod City kung saan tinatayang nasa 70,000 na mga Kakampink ang nagtungo. Kabilang sa mga dumalo ay miyembro ng deaf community sa lugar.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Isang tila trivia card pa ang kalakip ng post na ipinapaliwanag ang nasang satanic salute hand sign.

Kasunod nito, nasangkot pa ang larawan nina Pope Francis at Cardinal Antonio Luis Tagle na ginagawa ang parehong hand sign.

Larawan mula Catholics at Work via Facebook

Agad na umani ito ng atensyon online dahil ilang netizens ang kumagat pa rin sa nasabing post. Gayunpaman, pinalagan din kaagad ng Catholic at deaf community ang malisyusong larawan.

Hindi devil’s horn bagkus hand sign ng deaf community para ipahayag ang “ILY” o “I love you” ang nasabing hand sign. Kabilang sa mga dumalo sa rally ni Robredo at Pangilinan ang ilang miyembro ng deaf community dahilan para gawin ng tandem ang naturang hand sign.

Nitong Martes, Marso 15, mapapansi naman na ang tila edited na ang caption ng Facebook post na nagpakalat ng fake news. Gayunpaman, iginiit pa rin nito ang satanic salute sa konteksto ng larawan.

Ilang Kakampinks naman ang agad na dumepensa kina Robredo at Pangilinan. Ilan din sa kanila ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naturang page.

“No to negative campaigning” nag agree kayo. Pero tignan niyo ano ginagawa niyo? Sa halip na iangat ninyo yung kandidato niyo sa ginagawa niyo, mas lalo masama tingin ng tao manok niyo,” saad ng isang netizen.

“I think you need to educate this group. The Deaf who are supporters of BBM and Sara D please tell the other supporters that the??sign is not an evil sign. We even use it in the mass for peace, right?”

“This kind of post only shows the lack of sensitivity and inclusivity for differently-abled persons.”

“As a Special Education teacher, the “?” hand sign means “I love you” in the Deaf International Sign Language, their primary mode of communication. There are people who belong to the Deaf community attending the rally thus, it’s also one way of practicing inclusion. May we all choose to spread love not fake news❤️

Kinundena ng ilan pang deaf community online at kanilang welfare advocates ang iresponsableng pagpapakalat ng fake news.