Kamakailan lamang ay gumawa ng ingay ang personalidad na si Valentine Rosales, isa sa mga magkakaibigang inakusahang suspek sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, sa mismong araw ng Bagong Taon noong 2020, na naganap sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Ngunit hindi dahil sa naturang kaso kaya muling pinag-usapan si Valentine, kundi dahil sa pagbabahagi ng kaniyang karanasan sa pagbili ng 'Speak Cup' sa isang sikat na convenience store, na napag-alamang sarado naman pala.
Nitong Marso 14, 2022 ay laman ng usap-usapan ang patutsadahan nina Valentine Rosales at 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, tungkol sa 'pasabog' na ito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/xian-gaza-valentine-rosales-nagkasagutan/
Batay sa pagsisiyasat ng Balita Online, napag-alamang kumpirmadong sarado na nga ang branch na tinukoy ni Valentine sa kaniyang post.
Dahil dito ay nagkasagutan sila ni Xian Gaza na nagpa-imbestiga pa umano para lamang patotohanan na wala talagang 7-Eleven branch sa mall na kaniyang binanggit.
Nakisali na rin sa patutsada ang kaibigan ni Xian at direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap, na kilalang tagasuporta ng UniTeam.
Ngunit bago matapos ang gabi, binitiwan na ni Xian ang pinakamalaking pasabog niya. Aniya, hindi raw totoong Kakampink si Valentine at binayaran lamang daw para isang black propaganda.
Sa kaniyang latest Facebook post, sinagot niya ang tanong kung paano daw niya hina-handle ang bashing.
"People often ask me if I’m sad? how do I remain strong? How do I handle bashing?" aniya.
"I just smile and accept that this world is cruel and if I get affected easily and feel each and every criticism I would only drown myself to sadness. I no longer feel sadness because I’ve already been through my worsts and lost everything. You can no longer lose if you already lost everything."
"People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore. Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose. I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn."
"In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger. Goodnight."
Dahil sa pasabog ni Xian, maraming mga netizen ang nag-uungkat ngayon tungkol sa na-dismiss na kaso ni Christine Dacera, matapos ibasura ng Makati Prosecutor’s Office ang kaso noong Abril 2021. Sa galing daw gumawa ng kuwento ni Valentine ay baka kailan daw ulit buksan ang kaso.
Samantala, ano nga kaya ang reaksyon dito ng mga kaibigan ni Valentine na sina Gigo De Guzman, John Pascual “JP” dela Serna III, Clark Rapinan, Valentine Rosales, at Rommel Galido?
Hinanap ng Balita Online ang kani-kanilang mga social media platforms, at sa kanilang apat, sina JP at Rom lamang ang nagpahayag ng matinding komento tungkol dito.
Ayon sa IG story ni JP nitong Marso 14, galit at dismayado siya sa ginawa ni Valentine. Ibinuking din niya na hindi talaga kasama si Valentine sa circle of friends nila, at ngayon nga ay nakakaladkad ang kasong na-dismiss na.
"This is the 1st time that I'll be posting my anger and disappointment on you. Firstly, if you're enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it. But don't use the fame that you've got from the bad incident that happened before because in reality, you do not belong to the real circle of friends, you were only a visitor that night."
"Everyone is now at peace and we're getting busy with our own lives by moving forward. If creating stories or rumors is your hobby in life just for you to be noticed, please don't use the dacera case 'cause our friend is at peace."
"She's not your friend just to reiterate. Stop being a famewh*re because again you only got noticed by people in a bad way, at tatagalugin ko hindi siya magandang image kasi may taong NAMATAY itatatak mo 'yan sa brain mo."
Tinawag pa niyang 'cheap' si Valentine.
"Apaka cheap mo girl sa ginagawa mong stories, taasan mo naman standard mo sa buhay. Sorry Val but you deserve this."
Nanggalaiti rin si Rom Galido sa kaniyang Facebook post.
"Story Time: Maniniwala sana ako sa 7/11 Drama mo kung hindi kita kilala. Kaso kilala ko buong pagkatao mo eh. Kaya hindi benta sa akin ang 7/11 Drama mo ????."
Ang anak naman ni Claire Dela Fuente na si Gigo De Guzman na isang certified Kakampink ay may cryptic Facebook post din, pero hindi direktang pinariringgan si Valentine.
"Very relevant today… especially in Politics. They lie because they need to win. If they don’t, they lose their money & power," aniya, re-shared ang isang art card.
Nagkomento naman dito ang mga netizen.
"Pwede ba bakla iwas-iwasan n'yo munang umeksena na parang ang tataas ng moralidad n'yo. Bakla, naaalala pa rin namin yung nangyari dalawang new years ago. Tsaka ka na at yang mga tropa mo mang-aastang mga pure. Please lang."
"Be pagsabihan mo yang undin mong kaibigan."
Samantala, tahimik naman sa isyu si Clark Rapinan. Wala ring reaksyon o komento rito sina Mark Anthony Rosales at Jammyr Cunanan.
Huling humarap sa publiko ang magkakaibigan sa panayam sa kanila ni King of Talk Boy Abunda na umere noong Disyembre 31, 2021, upang kumustahin sila.
Sa panig ni Rosales, sinabi niya na namatayan umano siya ng ama na isang Taiwanese dahil sa stroke. Ang mas nakalulungkot umano rito, namatay ang kaniyang ama na hindi pa sila nagkakaayos simula nang umamin siya rito na isa siyang gay.
"Yung reaction ko noon, natatakot akong i-hug siya. Feeling ko kasi galit pa rin siya sa akin. Pero nag-apologize ako sa kanya na I didn’t become honest of who I am. Kasi he thinks I betrayed him. Pinaalam ko sa kanyang straight ako when the truth is that I’m gay," pag-amin ni Rosales.
"I apologized to him. I cried because hindi kami nakapag-ayos. The last time I spoke to him, I told him I was gay. Our last conversation was hindi maganda," dagdag pa niya.