Kahit ilang taon na ang nakalilipas ay tila sariwa pa rin kay Optimum Star Claudine Barretto ang alaala ng aktor at yumaong nobyo na si Rico Yan, batay sa kaniyang Instagram post nitong Marso 14.

"In a few minutes it’ll be you’re birthday. As you celebrate in heaven, we celebrate you here on Earth. May you know that I & the people who love you will forever love & celebrate you. I love you," wika ni Claudine. Kalakip nito ang litrato ng isang birthday cake na may nakalagay na pangalan ni Rico.

Screengrab mula sa IG/Claudine Barretto

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

Sa comment section naman ng IG post ay bumaha ng komento mula sa mga netizen.

"Happy birthday Rico in heaven. Super fan n'yo po ako ni Mam Claudine. #90sbaby."

"I was born 03-14-02, 2002 was the year na nawala siya huhu happy birthday to us Kuya Rico you're my mom's favorite actor!"

"The time of the year when the tremendous pain a fan felt when he died is coming back as if it happened yesterday lang. Masakit pramis? Hayyyy Rico movie marathon na naman aatupagin ko buong araw."

"OMG! nakakakilig naman yung words na I love you. Happy Birthday Corics."

Nagsimulang sumikat ang tambalan nina Rico Yan at Claudine Barretto sa iconic soap opera ng ABS-CBN na 'Mula sa Puso' hanggang sa mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan. Markado rin ang naging pelikula nilang 'Got 2 Believe' ng Star Cinema.

Claudine Barretto greets former boyfriend Rico Yan on his birthday: 'I luv  you' – Manila Bulletin
Rico Yan at Claudine Barretto (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Noong Marso 29, 2002, natagpuang patay sa kaniyang hotel room si Rico ng kaniyang kaibigang aktor na si Dominic Ochoa, sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa lumabas na autopsiya, namatay siya dahil sa cardiac arrest dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis. Isinagawa ang kaniyang public wake sa La Salle Greenhills, at tinatayang umabot sa 10,000 katao ang sumama sa kaniyang huling hantungan.

Sa tuwing kinakanta ang awiting 'The Warrior is a Child' ni Gary Valenciano, siya ang naaalala dahil ito ang kinantang tribute ng singer para sa kaniya.