Binalikan ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang pagpanaw ng kanyang ama matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa stroke.
Disisiyete anyos lang noon ang aktres nang maulila sa ama. Bagaman naging handa raw siya noon, ilang bagay din ang pinagsisisihan ng aktres sa masakit na yugto ng kanyang buhay.
“Malungkot po siyang sabihin, handa po ako. I had eleven years to prepare myself for that day. Medyo tragic kasi my mom had to pull the plug because my dad was fifty-fifty na, gulay na siya in the ICU in the ICU for two months,” pagbabahagi ni Sue sa panayam ni Karen Davila kamakailan.
Hindi naging madali para sa pamilya na pakawalan ang ama ngunit naging handa sila kalaunan matapos ang labing-isang taong pakikipaglaban nito sa sakit.
“My mom signed the waiver that night [to pull the plug]. When she went home, she informed us, the whole family. So we went to my dad, got to talk to him for the last time. He was unresponsive but we were still hoping that he could us,” pagbabahagi ni Sue.
Kasalukuyan noong bahagi si Sue sa family drama ng ABS-CBN na Annaliza noong 2013 nang dumating ang araw na kailangan na nilang magpaalam sa ama. Kinailangan pang lumiban ng aktres sa taping nang sikat na serye.
“I was on my way to the hospital, I just showered. I wanted to go to my dad. Tumawag na po yung ospital. Naiyak yung mommy ko kasi sabi niya, ‘Tignan niyo yung Dada niyo, hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya hindi na niya ako pinahirapan. Hindi na niya hinayaan yung mommy ko to pull the plug,” naiiyak na tugon ni Sue.
“So dun ko naisip na kagabi nung kinakausap ko siya, naririnig na pa rin pala ako…That was the only time in eleven years that my mom said, ‘Dad, you can rest now and you can,’” dagdag ng aktres.
Hindi naman naipagkaillaa ng aktres ang kanyang pagsisisi sa pagbabalik-tanaw niya sa pagkawala ng ama.
“I wish I was more mature when it happened because I would know how to react to it. I would know how to talk to him. I would know how to help him at least,” ani Sue sa sarili.
Nagpapasalamat si Sue sa kanyang mga kapatid na nagsilbing support system nito nang pagdaanan ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng ama.