Opisyal nang dumagdag sa dumaraming musikerong tagasuporta ng Leni-Kiko tandem nina Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan ang sikat na folk-pop band Ben&Ben.

Hayagan nang nagpahayag ng suporta ang banda sa isang Facebook post gamit ang emoji ng rosas, isang simbolo ng kampanya ni Robredo sa kilalang “Kulay Rosas ang Bukas” na slogan ng kaisa-isang babaeng kandidato sa pagkapangulo

Screengrab mula Facebook

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isang youth group naman mula Pasig ang nag-request ng kanilang attendance sa Pasig sortie ng Leni-Kiko grand campaign rally na tinugunan ng Ben&Ben ng ‘g’.

https://twitter.com/gesperas/status/1503266671959556097

Sa Marso 20 gaganapin ang sortie ni Robredo sa Pasig, partikular na venue ang Emerald Avenue sa Ortigas.

Basahin: Bagong venue ng Leni-Kiko campaign rally sa Pasig, naisapinal na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, naging matagumpay kamakailan ang Expo Dubai 2020 experience ng banda kung saan dinumog sila ng nasa 15,000 na mga Pinoy. Ang banda ang nasa likod ng mga sikat na kantang "Pagtingin," "Araw-araw," at "Sa Susunod na Habang Buhay," bukod sa maraming iba pa.