Sinabi ni aspiring President Sen. Manny Pacquiao nitong Lunes, Marso 14, na hindi siya nababahala sa resulta ng mga presidential survey dahil aniya, ang mga ito ay inilabas lamang para kundisyunin ang pananaw ng mga botante.

Si Pacquiao, na nahuli sa tatlo pang kandidato sa kamakailang presidential survey ng Pulse Asia, ay nagsabing alam niya ang bilang ng kanyang mga tagasuporta.

Sinabi rin niya na ang tunay na lakas ng tagasuporta ng isang kandidato ay makikita lamang sa araw ng halalan, na Mayo 9, 2022.

“Sino kaya maniwala doon? Dapat tinanong nila yung mga ano, baka yung mga mayayaman lang tinanong nila. Hindi nila tinanong yung mga mahihirap na tao,” ani Pacquiao sa ilang reporters sa isang press conference.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Sinabi rin ng senador na "for the longest time", ang mga resulta ng mga survey ay hindi talaga sasalita sa ground.

Binanggit niya bilang halimbawa ang nakaraang presidential elections, kung saan ang dating presidential aspirants na sina Mar Roxas at Grace Poe ay nanguna sa mga survey noong 2016 elections, ngunit sa huli ay madali silang natalo ng dating mayor ng Davao City na si Rodrigo Duterte.

“Kahit zerohin pa nila ako sa Luzon, Visayas, Mindanao, hindi pa rin ako matitinag,” aniya. “Ano yan, mind-conditioning sa taumbayan.”

Ang resulta ng kamakailang Pulse Asia survey na inilabas nitong Lunes ay nagpakita na si Pacquiao ay nasa ika-apat na pwesto sa nangungunang presidential bets. Si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may pinakamataas na preference ng mga botante na may 60 porsiyento, na sinundan ni Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Joseph Pedrajas